Karylle's POV
Bakit ba ako pumayag? Ganon na ba ako kagahol sa pera?! Pero di ko na talaga kaya, nagpapakatatag lang ako nasinabe kong kaya kong tustusan ang nanay ko para lang hindi nya apakan pagkatao ko. Kilala sya pero di ko sya kilala? Hay Lord kung may dahilan man to kung bakit kami nagkita sana wala.
End of POV
Si Karylle, isang dalagang Pilipina, palaban, masunurin at mabait na anak, galing sa probinsya at kailanman di nakakita ng electric fan dahil lagi silang nasa bukid. Masaya sila ngunit isang araw nagkasakit ang nanay nya ng sakit sa puso't kailangan dalhin sa Manila. Kasama ang pinsan nyang si Dong, sinamahan sila nito dahil nakita si Dong sa Maynila para magtrabaho, nasa bukid naman si Karylle dahil natigil sa pagaaral simula ng namatay ang tatay nya at inalagan na lamang ang nanay nya.
Habang nasa biyahe ay nakatulog sila. Nagising na lamang si Karylle nang narinig na ang busina ng bus. Pagkababa..
"Aba Dong ang lalake naman ng mga bahay nila dito! Andaming bintana! Napakaganda pala dito sa Maynila ano? *nakatingin sa taas pagbaba ng Bus*"
"Ah Ana, yan ang tawag dyan Building. Hindi yan bahay, yan ang mga pinagtatrabauhan ng mga ilang tao dito sa Maynila"
"Ahh, aba oh! Ano naman yon parang.... uod!! Ang laki!! Halimaw Dong!!! Tulong Tulong!!! *natataranta*"
"Ano ka ba Ana!! *takip sa bibig ni K* LRT yan! Hindi yan uod na halimaw! Sinasakyan yan dito"
Nakatingin ang ilang tao sa kanila sa bungad na Terminal ng bus, halatang first time dito sa Maynila at medyo naninibago pa sya dito.
"Ahh.. Karylle tara na nga at nang madala na natin ang nanay mo sa hospital ipapasyal kita ng kaunti. (Medyo nahihiya na rin ako sa pinagsasabi mo) *pabulong*"
"Ano Dong?"
"Wala! Tara na"
Dinala na nga sila sa St. Lukes at pagkatapos ay naghabilin ang doctor ng kung ano ano.
"Aba! SM?! Aba'y ka'y lake naman pala ng mga building building dito ano?"
"Mall ang tawag dyan, dyan naman pwede ka bumili ng kahit ano"
"ANO? Bat di mo sinabe saken na dito tayo pupunta? Wala akong dalang pera!"
"Halika na na nga *hila sa kanya ni Dong papunta ng SM*"
"Dong! Ang lamig naman dito!!! Pero hindi naman mahangin katulad sa bukid! Chaka... *papunta sa escalator* ano toh? Hagdanan na nagalaw? Chaka eto *turo sa babaeng nagtitinda ng Fruitas* sino to? Bat sya andyan eh di naman sya nabili?! Ang gulo naman dito Dong!"
"Wala bang nagkekwento sayo tungkol dito sa Maynila hah Ana Karylle?"
"Wala nga! Magtatanong ba ako na parang tanga kung alam ko tong mga toh?"
"Masasanay ka ren, simula ngayon sa bahay ko minsan dun kayo tumira muna hanggat di pa nakakalabas nanay mo"
"Dong, kaya ko kaya mga gastusin dito? Parang pagupo ko kasi don, may bill na agad"
"Ako bahala sa inyo insan! Okay?"
"Oh sya sya at mamaya dun na ulit ako kay nanay, punta ulit tayo dito Dong hah pero kasama na si Nanay"
Pagkauwi ay nagpaalam na rin si Dong na umuwi at meyron din silang binili na kung ano ano. Nagbantay lang si Karylle sa nanay nya.
After 1 month..
"Sige pwede... pero after an hour ibalik mo na ulit sya dito. Iwasan mong may mag cause ng paninikip ng dibdib nya, bawal ang pork"
"Opo doc salamat talaga."
"Salamat Doc"
"Nay!! Matutupad ko na yung mga sinabe ko sayo, mapapasyal na kita sa building na malamig! Ano ba yon? Basta may M?! LM?! Basta ganon nay! Pwede mo bilhin ang gusto mo!"
"Anak salamat hah!"
Pagkatapos magyakapan ng magina ay palabas na sana sila at habang naguusap nang may biglang nanggulat sa kanila..
To be continued...