PROLOGUE

2K 27 16
                                    

ʚʚʚʚʚ∂∂∂∂∂∂∂∂ᴥᴥᴥᴥᴥᴥᴥ ←←←←⃝→→→→ᴥᴥᴥᴥᴥᴥᴥ∂∂∂∂∂∂∂∂ʚʚʚʚʚ

                                                   PROLOGUE 

ʚʚʚʚʚ∂∂∂∂∂∂∂∂ᴥᴥᴥᴥᴥᴥᴥ ←←←←⃝→→→→ᴥᴥᴥᴥᴥᴥᴥ∂∂∂∂∂∂∂∂ʚʚʚʚʚ

Kakalipat lamang ni Alandra Halley sa KingKong University ng bigla niyang napansin ang isang papel na nakadikit sa gate ng school. Hindi niya ito napansin kaya nagdirediretso na lamang siya.

Wearing her pink eyeglasses with her red glimmering lipstick on her lips, together with her pink well-fitted shirt na nagpapakita ng korte ng kanyang katawan at tattered jeans na nagpapakita ng pagka-slim ng kanyang mga legs, she started to enter the university. When she put her first step inside the university using her *take note* two and a half inches stiletto, may nakita na naman siyang bagong papel, this time, nakadikit sa harapan ng guard house.

She then stepped in again at muli niya itong nakita ng makarating siya sa isang bulletin board. Hindi niya ito ulit pinansin. Nang mapadaan siya sa harap ng isa pang bulletin board, ganun din. May nakapaskel na parehong papel.

Out of curiosity, she tried to read the things written in the paper. She murmured the first line that was written at the top left corner of the paper.

“Follow these rules or you’ll die.”

Napangiti siya ng mabasa iyon. Sumunod naman ang title noon.

“Gorilla Fan Girling Rules”

Napasinghap siya. Mukhang nagkamali siya ng nilipatang university dahil sa nakita niya. Hindi niya napigilang matawa ng nabasa niya ang mga sumunod pang detalye. May limang rules doon. Nakakulay-red font pa ang ilang mga words doon bilang emphasis. Under the five sub-headings, may panibagong bullets pa na nakasulat pero hindi niya na binasa. May rules under the rules pa kasi but she isn’t interested anymore.

#1 Treat them like royalties.

#2 Don’t be a virus. Stop going close to them.  

#3 Stop pretending like you are their girl.

#4 Don’t be a trespasser.

#5 DON’T MESS UP WITH THEM.

“What kind of university is this?” Sabi niya sa sarili at nagtaas ng isang kilay. Itinapon niya ang hawak niyang papel at muling isinukbit ang kikay bag niya sa kanyang balikat. Maglalakad na sana siya ng makita ang ekspresyon ng ilang mga babaeng tila may hinahabol at nagsisigawan. She rolled her eyes but seven boys caught up her attention.

“Sila siguro ang sinusundan ng mga babaeng iyon.” Bulong niya habang inaayos ang kanyang cute, yellow, updo sexy summer hat. 

Kaso nawala ang atensyon niya ng biglang may isang babae ang tumulak sa kanya at nagmamadaling pumunta sa nagkukumpulang mga babae. Napaupo siya at mabuti na lamang, sanay siya sa stiletto niya ngayon.

“Now, this university really sucks.” Pagmamaktol niya. 

ʚʚʚʚʚ∂∂∂∂∂∂∂∂ᴥᴥᴥᴥᴥᴥᴥ ←←←←⃝→→→→ᴥᴥᴥᴥᴥᴥᴥ∂∂∂∂∂∂∂∂ʚʚʚʚʚ

                                                   PROLOGUE 

ʚʚʚʚʚ∂∂∂∂∂∂∂∂ᴥᴥᴥᴥᴥᴥᴥ ←←←←⃝→→→→ᴥᴥᴥᴥᴥᴥᴥ∂∂∂∂∂∂∂∂ʚʚʚʚʚ

LOVING A GORILLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon