L.A.G._2: "Devirginalized" Lips

484 12 2
                                    

ʚʚʚʚʚ∂∂∂∂∂∂∂∂ᴥᴥᴥᴥᴥᴥᴥ ←←←←⃝→→→→ᴥᴥᴥᴥᴥᴥᴥ∂∂∂∂∂∂∂∂ʚʚʚʚʚ

                                                   CHAPTER 2

ʚʚʚʚʚ∂∂∂∂∂∂∂∂ᴥᴥᴥᴥᴥᴥᴥ ←←←←⃝→→→→ᴥᴥᴥᴥᴥᴥᴥ∂∂∂∂∂∂∂∂ʚʚʚʚʚ

“WHO ARE YOU TO TOUCH MY PRECIOUS GUITAR?!”

Saka niya nakita ang isang gwapong nilalang na iniluwa ng pinto na kanina’y kasabay niyang kumanta at isa pang gwapong lalaki na nasa likod niya. Ang isa ay nasa anyong unggoy at ang isa naman ay nasa anyong kingkong. 

Sa gulat ni Alandra, nasagi niya ang gitara at bumagsak ito sa lupa. Sinundan nilang tatalo ito ng tingin. Parang nag-slow mo ang lahat. Maputik kasi ang pinagbagsakan noon kaya malamang, nadumihan ito ng sobra.

“LOOK WHAT YOU HAVE DONE!” Napapitlag si Alandra ng sumigaw ang lalaki. Nagpapalit-palit naman ang tingin niya sa gitara, sa lalaking nasa pinto, at sa lalaking papunta sa gitarang bumagsak.

“You messed it up, Miss. You better fix it before anything happens.” Umiling-iling ang lalaki sa may pinto.

“OA niyo ha. Gitara lang ‘yan ha?” Medyo mautal-utal pa si Alandra pero she chose to maintain her composure.

“It’s just a piece of advice.” Sabi naman noong lalaki, “By the way, your voice is cute.” Sabi nito bago tumalikod at naglakad. Napangiti si Alandra sa narinig niyang complement.

Gosh. O my gosh. Itong handsome na ito. Shocks. Sigaw ng isang bahagi ng utak niya, Alam ko namang maganda ako, alam ko ring sexy ako, pero shet. Cute daw ang boses ko? It’s like, O-M-G. Then she smiled pero parang hangin iyon na napawi bigla.

“THIS IS IMPOSSIBLE. YOU UGLY WOMAN!!! WHAT YOU HAVE DONE?!” Galit na galit na sabi ng lalaki na batay sa concern sa gitara ay may-ari nito.

Napanganga din siya ng nakita niya ang gitara na puro putik. Nalaglag pala ito sa putikan.

“Ang arte mo naman, Dude. Let me clean it,” Tapos may kinuha siya sa bag niya, “Let me clean it with this $5 towel.” Sabi ni Alandra pero biglang iniwas ng lalaki ang gitara niya kaya nabitawan niya ang towel na hawak niya.

“Alam mo ba kung gaano kahalaga ang gitara na ito sa akin?” Yung boses noong lalaki eh parang nanggigil pero mahina.

“Alam mo ba kung magkano ang towel na yan?!” Balik na tanong niya.

The boy stretched his neck and smiled but the smile faded away quickly, “Wala akong pakialam sa lintik na towel mo. Ang tanong ko ang sagutin mo?!”

“You don’t care about my towel then the feeling is mutual with your gross guitar.” Sagot ni Alandra sa nandidiring tinig. Ipinagdiinan niya pa kasi ang salitang “GROSS”.

Halatang nainis ang lalaki sa kanya, “HOY. HINDI MO BA AKO KILALA HA?”

“Why? Close ba tayo? Wala akong friend na kasing pangit mo. Look at your earings, eew. Halatang diyan mo lang yan binili sa labas ng school. Look at your outfit. You look like a gangster. You’re not even qualified to be my friend. Well, frankly speaking, hindi ka bagay makilala ng katulad ko.” Nagbuga siya ng hangin at nagflash ng isang emosyon na parang naaawa at naguiguilty, “Oh well, sorry. That’s harsh. Ahm, I’ll pay for your guitar na lang. How much is it?”

“Hindi mo talaga ako kilala no?” Unti-unting lumapit ang lalaki sa kanya.

“Obvious ba?” Sagot naman ni Alandra.

LOVING A GORILLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon