Chapter-1

97 13 3
                                    

Ashyreen's POV

"Anak,mag-iingat ka doon ah? Kapag ba-byahe ka,dapat hindi ka matutulog para hindi ka lalagpas,tsaka Basahin mo ng maigi ang mga karatola kung saan ang sasakyan pupunta,at kapag Nakarating ka na,huwag mong kakalimutang mag text o di kaya'y tumawag sa'kin ha? Mag-iingat ko doon,napakadelikado pa naman sa lugar na 'yon lalo na 'pag gabi"- Mahabang Paalala sa'kin ni mama,napabuntong hininga na lamang ako at tumatango-tango.

"Tsaka,kung uuwi ka na,dapat hindi ka masyadong magpapagabi,umuwi ka ng maaga doon,mag iingat ka sa mga taong mga makakasalamuha mo doon at dapat palagi ka lang nasa loob ng bahay at huwag magpapa-pasok ng kung sino-sino,naiintindihan mo ba ako Reen?"- dagdag pa ni mama,tanging tango lamang ang naisagot ko.

Ilang beses na iyang ibinilin sa akin ni mama,hanggang pag alis ko ngayon,parati na lang ganyang mga salita ang mga Naririnig ko.

Bakit ba kasi gusto niya akong pag aralin doon?

"Mag-iingat ka anak,huwag mong kakalimutan ang mga binilin ko sayo ha? Tsaka huwag kang magpapa gutom,kumain ka ng marami"

"Opo Ma,ba-bye!"-sagot ko at kumaway bago sumakay ng tren.

Sa huling Sandali ay lumingon ako sa kanya,ngumiti siya sa akin gayon din ako,pagkatapos ay pumasok na'ko sa loob at umupo sa tabi ng bintana.

Pupunta ako ngayon sa Harnisko,sa ibang bayan, malayong malayo dito sa Laspirin. Doon ko kasi ipagpapatuloy ang aking pag-aaral ng kolehiyo.

Malayo ang bayan ng Harnisko ,ba-byahe pa ako ng dalawang araw bago ako makakarating sa Harnisko.

May kakilala naman si mama na nagmamay-ari ng apartment at doon ako uupa,at the same time mag pa-part time job din ako,para naman may pera ako para sa mga gastusin ko sa aking pag-aaral,ayoko naman na aasa pa ako kay mama,gayong malaki na ako at kaya ko ng maghanap ng pansamantalang trabaho.

Huminga ako ng malalim,ano kaya ang maghihintay sa'kin doon? Magiging masaya ba ang aking buhay sa Harnisko? Sino-sino kaya ang mga magiging kaibigan ko doon? Hayst! Sana kaya kong mag adjust sa bago kong kapaligiran.

Umidlip muna ako at humalukipkip,malayo pa ang ikalawang istasyon bago ako makakasakay ng tren papuntang Harnisko. Kaya magpapahinga muna ako.

―――――--------

Nagising naman ako sa ingay ng ibat-ibang boses. Nag unat pa ako bago tumayo,andito na pala ako sa pangalawang estasyon. Niligpit ko ang aking mga gamit bago tumayo. Pagkalabas ko ay dali dali akong naglakad at sumakay sa panibagong tren papuntang Harnisko.

Pumasok na ako sa loob. Maya-maya pa'y umandar na ang tren.

Magdidilim na,kailangan ko ng kumain,nakatulog pala ako ng mahimbing.

Tahimik ang loob ng tren, at tahimik din akong kumakain,pagkatapos kong kumain ay di ko mapigilang ma miss agad si mama,alam kong hindi gusto ni mama ang mag aral ako,malayo sa kanya pero wala ng ibang magpapipilian si mama dahil ang paaralan lamang ng Harnisko ang tumatanggap ng mababang halaga ng tuition fee.











Nagising nalamang ako sa mga ingay ng boses nila, ang iba'y sumisigaw,umiiyak at teka? Ano palang nangyayari? Hindi ko man lang namalayan na nakatulog pala ako.

Tumayo ako at lumapit sa mga taong nagkukumpulan.

"Sasabog ang tren!"

"Tatlong minuto nalang at maging pira-piraso na lamang tayo ngayon!"

"Kailangan nating gumawa ng paraan!"

"Walang nag da-drive ng tren!"
Sigaw ng lalakeng nasa mid 20.

Napasinghap sila at Nagulat,maging ako
Halos mabaliw na din sa kakaisip ng paraan. Bumalik ako sa kinauupuan ko at kinuha ang ibang mga gamit.

"Tatalon nalang tayo!"

Suhestiyon ng isang babae. Napakahirap namang gawin iyon,masyadong mabilis ang takbo ng tren.

"Wala na tayong ibang paraan!"

"Tumawag kayo,humingi tayo ng Tulong"

"Walang signal!"

" Tatlumpong Segundo nalang!"

Nagsigawan na sila sa takot at umiiyak na din ang iba. Naawa ako sa kanila,ano ba ang dapat naming gawin?

"Basta tatalon nalang ako!"

Sa pagkarinig kong iyon ay na alarma na ang iba,may mga nauna ng tumalon,ayoko silang silipin dahil natatakot ako.

"Hija! Halika na! Tumalon ka na din!" sigaw sa akin ng babae.

Napalunok naman ako. Iniabot niya sa akin ang kamay niya,sa una ay nag aalinlangan ako pero inabot ko din iyon.

10..

"Kumapit ka ng mabuti" Paalala niya.

9

Nanginginig naman akong Tumango sa kanya. Tatalon na sana kami ng na alala ko pala ang mga gamit ko.

8

"Teka lang.."

7

Napahinto naman ito,bumitaw ako sa kanya at dali daling kinuha ang magaan kong bag na naglalaman ng mga napakaimportanteng bagay.

6

"Bilisan mo!" Sigaw niya sa akin.

5

Nanginginig naman ako Bumalik sa kanya at kumapit.

"Delikado na,masyadong malalim ang ilog"

4

dumuko ako at nakita kong napakalalim nga ng ilog.

"Marunong ka bang lumangoy? Tatalon na tayo"

3

"H-hindi"

"Huwag kang bibitaw,tatalon na tayo"

2

1

Pumikit ako. Pakiramdam ko para akong lumulutang. Narinig ko naman ang pagsabog ng tren,kasabay ng pagtalon namin. Nararamdaman ko na ang malamig na tubig na tuluyang lumamon sa aking katawan.

Minulat ko ang aking mga mata at nabitawan ko ang aking bag. Pinilit kong habulin iyon nang mapagtanto ko na nawala ang babae sa aking tabi.

Sinikap kong kumuha ng hangin pero nabigo ako. Hindi ako marunong lumangoy. Para akong hinihila ng tubig pababa.

Hanggang sa tuluyan ng nanlabo ang aking paningin...

**********************

So heto na nga at nag UD na din ako, uhm, actually I decided to Update this chapter on Oct.19 but suddenly I changed my mind dahil hindi matatahimik ang kaluluwa ko na hindi makapag UD. Next week muna guys,dahil sembreak naman namin. Super duper busy si ako eh.

Thank you pala sa inyo. Mwah!

~XtraJudicialFeeling

DESTINED TO A VAMPIRE PRINCE (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon