Chapter 2

47 12 1
                                    

Ashyreen's POV

Nagising naman ako sa hindi pamilyar na paligid.Puro puti ang nakikita ko.

Nasaan naba ako?

Patay na ba ako?

Naalala ko kagabi na tuluyan na akong nawalan ng hininga.

Paano ako napunta dito?

Langit kaya to?

Umayos ako ng upo para makita ko ang kabuuan ng buong paligid. Nasa Isang kwarto ako ngayon. Kumunot ang noo ko,buhay ba talaga ako?

Bigla namang bumukas ang pinto. Pumasok ang Isang matandang babae na naka-uniporme na parang katulong.

"Gising ka na pala hija"

"Uhm.. Manang nasaan ako? Totoo ba to?"

Parang weird naman ng Tanong ko.

"Oo naman,buhay ka at hindi ito panaginip o ilusyon"

"Sino po ang sumagip sa'kin?"

Ibinaba muna niya ang tray na ngalalaman ng mga pagkain at inumin na hawak niya.

"Nakita ka ni madam Kahapon"-sagot nito sa'kin. Kahapon? Sinagip ni Madam? Sinong Madam?

"Sino po siya? Nasaan po siya?"-Tanong ko.

"Si Madam Amelia. Nasa siyudad,may lakad siya ngayong importante"

"Aah" Maikling sagot ko.

"Kumain ka muna hija,simula kagabi hindi kapa kumakain,baka malipasan ka pa ng gutom diyan"

"Sige po,salamat"

"Maiwan na kita diyan,dahil may aaikasuhin pa ako sa baba,pumunta ka nalang sa kusina kung may kailangan ka" Paalala nito bago lumabas ng kwarto.

Paglabas niya'y agad akong tumayo at kinuha ang tray,kinain ko ang nakalagay doon,talagang gutom na gutom na ako. Ang sarap ng pagkain!

Pagkatapos kung kumain ay napagpasyahan kong lumabas ng kwarto at maglibot-libot sa labas.

Paglabas ko'y hindi ko mapigilang mapanganga sa ganda at lawak ng mansyon.Napaka elegante ng pagkakadesenyo ng mga kagamitan pati mga naglalakihang chandeliers,para tuloy akong nasa isang palasyo,at ako ay anak ng hari at reyna na nakatira dito.

Bumaba ako ng hagdan. Para akong nasa fairy tale. May mga katulong akong nakasalubong at nag bow sila sa'kin,nag bow din ako. Ang awkward naman,hindi naman ako ang isa sa may ari ng mansiong ito. Nakitira lamang ako.

Lumabas ako ng mansion Ewan ko kung saang parte ba ito. Para namang maliligaw ako sa laki ng lugar. Nang makalabas na'ko di ko tuloy mapigilang mapaisip na nasa mala paraisong hardin ako ngayon. May mga nagliliparang paru-paro at ibon na iba iba ang kulay na kaygandang tingnan. Mga iba't ibang kulay na nag-gagandahang bulaklak at ang sariwang simoy ng hangin na dahilan para magsayawan ang mga bulaklak. Mga berdeng damuhan na aking natatapakan at may iilang punong kahoy.

Ang ganda at sarap sa pakiramdam ang ganitong paligid.

Umupo ako sa ilalim ng puno. Makikita rito kung gaano ka laki ang buong siyudad. Matatanaw sa malayo ang mga naglalakihang buildings malayo dito.

Kung ganoon nandoon si Madam Amelia. Ano kaya ang ginagawa niyang importante? Nais ko sana siyang makita para pasalamatan siya. Malaki ang utang na loob ko sa kanya.

Napabuntong hininga naman ako. Si mama... kamusta na kaya siya? Alam kaya niya ang nangyari sa'kin? Sana naman hindi,ayoko siyang mag-alala.

Bigla namang may bumusinang sasakyan. Tumayo ako at sinilip ko sa baba kung sino iyong kakarating lang. Makikita naman dito ang baba ng mansyon.

DESTINED TO A VAMPIRE PRINCE (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon