Chapter 3

54 11 2
                                    

Medyo na pagod ako sa kaka-ikot sa buong mansyon,pero na kabisado ko na rin ang yung iba at bawat sulok ng mansyon.

Magdidilim na.
Umupo muna ako sa bench ng garden. Ang ganda naman dito. Sana,kung kasama ko lang si mama sigurado akong matutuwa siya rito.

Nag-aalala na'ko sa kanya alam kaya ni mama ang mga pangyayari? Ang aksidente? Sana hindi.

"Natagpuan din kita! Hija!" Lumingon naman ako sa pinanggalingan ng boses. Si manang pala!

Lumapit ito sa'kin.

"Bakit po manang? Ok lang po ba kayo?" Tanong ko,medyo hinihingal ito at pinagpawisan.

"Kanina pa kita hinahanap,andito ka lang pala. Tara sa loob" sabi nito sa'kin. Tumayo na'ko at sumunod sa kanya.

"Bakit niyo nga po pala ako pinatawag?" Patuloy parin kami sa paglalakad papasok sa mansyon.

"Pinatawag ka in madam Amelia, nais ka niyang makausap." Ngumiti si manang sa'kin. Ito na! Ito na yung pinakahihintay ko.

"Talaga po? Naku! Gustong-gusto ko na po siyang maka usap!"

Halos Hindi na ako makapag aantay!

"Sige,ihahatid na kita" ngumiti ito sa'kin.

Medyo may kaba akong nararamdan,bakit kaya niya ako pinatawag? Huminga muna ako ng malalim. Huwag kang kabahan Ashy.

Nang nasa tapat na kami ng pinto ay agad din itong bumukas,parang ine-expect na nila na andito na'ko.

Pagpasok ko pa lamang ay mapapamangha ka talaga sa loob ng kwartong ito. Napaka elegante ng mga gamit at ang nag iisang chandelier sa gitna. Ang ganda! Parang nasa kwarto ka ng hari at reyna.

"Madam,andito na po siya." Magalang na sabi ni manang at nag bow,may mga tauhan palang naka bantay sa loob.

Nakatalikod siya sa amin habang nakadungaw sa labas ng malaking bintana.

"Salamat manang Fe." Sagot niya. Kalmado siyang magsalita.

Nagsimula ng lumabas ang mga bodyguards niya.

"Sige po,maiwan ko na po kayo." Umalis na rin si manang at naiwan kaming dalawa ni Madam Amelia.

"Maupo ka hija." Lumingon na siya sa'kin. Maganda pala si Madam Amelia. Parang nasa mid 30's ang hitsura.

"Salamat po." Umupo na rin ako sa malambot na upuan.

Bigla namang tumahimik ang paligid.

"Kamusta ka na pala hija?" Panimula nito. Hindi ko alam pero parang ang gaan ng pakiramdam ko kay Madam Amelia.

"Ayos naman po Madam Amelia,salamat po pala dahil niligtas niyo ko." Sabi ko sa kanya. Umupo siya sa tapat ko na pinagitnaan namin ang table glass na may flowervase sa ibabaw.

"Mabuti kung ganoon hija,tsaka walang anuman,masaya akong may natutulungan." Ngumiti siya sa akin.

"Uhm.. Paano ko po ba kayo mababayaran bilang isang malaking utang na loob po?" Tanong ko,wala akong dalang pera tsaka yung mga gamit kong importante ay nawawala.

"Since you don't have any material things to pay me back,but it doesn't matter anyway hija. I want you to stay at this mansion as your payback for me hija." Stay? Dito sa mansyon?

"P-po? Uhm.." Nakakahiya naman.

"I want you to stay here,dito ka muna,ako ang mag papa-aral sa iyo sa syudad." Nagulat naman ako dun! She want me to stay here as my payback!

Siguro.. Tama munang dumito ako kaysa sa maglakbay papuntang Harnisko. Ang lugar na iyon ay delikado.

"N-nakakahiya naman po,uhm.. Kayo po ang bahala madam-" Hindi na niya ako pinatapos pa.

"Tita nalang. Call me tita Amelia." Ngumiti naman siya sa'kin pero yung ngiti niya,nakita ko sa mga mata niya ang lungkot at... Pangungulila

"Mad- uhm.. Tita Amelia,diba po m-may bampira dito sa lugar na'to?" Huminga naman siya ng malalim at ngumiti sa'kin.

"Oo,pero ang mga naninirahan ditong mga bampira ay hindi masasama. They are good and harmless,don't worry ang mga kinakain namin dito ay pagkain ng tao,of course there are some people lived here." Sabi niya sa'kin.

"Tita,a-are you a vampire?" Tila nag-aalinlangan naman akong magtanong.

"No. 40% are people and the rest are vampires living in this town. Dito sa mansyon,ako,si manang Fe at si manong Hedgar lang ang tao rito." The rest are vampires? Pero kakasabi nga ni Tita na Harmless naman sila.

"Don't worry hija,hindi sila katulad ng mga mamamayan sa Harnisko. They are Harmful and the way they kill... is brutally." Tila nakakatindig balahibo ang mga sinabi ni Tita Amelia.

"Uhm,Tita.. Can I ask a favor?" Kailangan kong pigilan si mama kung sakaling alam niya ang pangyayaring aksidente nitong mga nakaraang araw.

"Then,what is it hija?" Tanong nito sa'kin.

"Since,yung nangyaring aksidente nitong mga nakaraang araw,natatakot po kasi akong malaman ni mama ang nangyari,ayokong mag alala siya at baka puntahan niya ang bayan ng Harnisko. Ayokong mailagay sa panganib si mama. Kaya nais ko po sanang humingi ng tulong niyo. Yun lamang po." Tila uminit ang sulok ng mga mata ko pero pinipigilan ko ito dahil ayokong makita niya akong umiiyak.

Bumuntong huminga naman siya at lumapit sa kina uupuan ko.

"I know what you feels right now hija,actually ginawa na namin iyan ni Supremo nagkausap na kami kanina. You know your mom is lucky to have you." Sabi niya sa'kin.

"Salamat po Tita Amelia. Ang bait niyo po." Sabi ko sa kanya.

"By the way,nakalimutan kong itanong ito kanina hija. Ano mga pala ang pangalan mo?" Oo nga pala,hindi pala ako nagpakilala sa kanya,nakakahiya naman.

"Ah.. Ako po si Ashyreen Forechester. You can call Ashy or Reen." Magalang na sabi ko.

"Well, nice to meet you Reen,mag handa ka na bukas at ipapasok na kita sa Black blood University." Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. This is it! This is my opportunity! Hindi ko ito sasayangin para kay mama at para na din kay Tita Amelia. Malaki ang utang na loob ko sa kanila.

***************

So yeah! Papasok na si Ashyreen sa Black blood University! Keep on reading guys and don't forget to vote and support my story.

Comments and Votes are highly acceptable . Mwah!

XtraJudicialFeeling

DESTINED TO A VAMPIRE PRINCE (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon