Masyadong makapangyarihan ang pag-ibig, yan ang sabi nila. Kapag umiibig ka raw, kahit napaka-imposibleng bagay gagawin mo. Gusto kong sabihin na isa ako sa mga taong maaring magpatunay na totoo yan.
Pero hindi naman ako umabot sa punto na, pinatayuan nang palasyo ang taong mahal ko. Sinungkit ang mga bituin para sa kanya, sinunod sa pangalan nya ang bagong planeta o ano pa man. Ginawa ko lang ang mga bagay na kung ituturing niyo para sa inyo ay simple lang pero para sa akin, suntok sa buwan ang mga bagay na yun.
Nagpaganda ako para sa kanya. Napadalas ang pagsuklay ko ng buhok ko, paglagay ng polbo at pati pagpahid ng lipgloss sa labi ko ginawa ko. Pero ewan ko lang kung gumanda nga ako dahil sa mga ginawa kong yan.
Binawasan/Iniwasan ko ang pagsabi ng mga salitang tanga, gago, sh*t, at pakyu para sa kanya dahila ayaw niya nakakarinig ng mura. Sh*t! Paking bitz talaga! Ang hirap nun! Expression ko ang mga words na yan eh!
Binasa ko lahat ng paborito niyang Science Fiction na libro kahit na ang paborito ko naman talagang basahin ay Romance Novel. Ginawa ko yun para makarelate sakanya.
Pinuno ko ang playlist ko ng Jazz at Ballad songs dahil yun ang gusto niya kahit ang paborito ko naman talaga ay Pop at Alternative Rock Music.
Nag-aral ako ng mabuti para mataasan siya para mapansin niya ako. Pero sa larangan na 'to bigo yata ako dahil hindi ko siya kayang lampasan.
Nag-apply rin ako bilang contributor sa school paper namin dahil kasali siya dun. Kahit ang totoo hindi naman talaga ako magaling magsulat.
Ilan lang yan sa mga bagay na ginawa ko para sa taong mahal ko. Pero hindi niya iyon napansin. Hindi 'yon napansin ng taong minamahal ko ng palihim.
In every action there is an opposite reaction.
Masarap sa pakiramdam kapag may minamahal ka, kahit palihim pa yan. Yung mga tipong palihim mo syang susulyapan tapos biglang magtatagpo ang mga mata niyo at patago kang kikiligin. Yung palihim kang mapapangiti kapag kinausap ka niya.
Sabi nila hindi raw pagmamahal ang nararamdaman mo kung puro tuwa at kilig lang ang nadarama mo sa isang tao. Minsan raw masasaktan ka rin. Dahil kapag umibig ka, kakambal na raw nito ang sakit kaya siguro kapag nakikita ko siyang may kasamang ibang babae, masakit. Kapag naririnig ko siyang may tinatawag na mahal, mas masakit. At ang posibilidad na hindi niya ako kayang mahalin yun ang pinakamasakit. Pero wala akong karapatan magreklamo, sino ba naman ako? Isa lamang hamak na masugid at tapat na lihim niyang mangingibig na walang ibang pwedeng gawin kundi palihim na masaktan.
At ito ang kwento ko, ang kwento ng isang babae na lihim na umiibig at lihim ring nasasaktan. Hindi ko alam kung hanggang kailan mananatiling lihim ang lahat ng nararamdaman ko, wala pa akong lakas ng loob para isatinig ang aking damdamin. Pero kung sakaling mapadaan sa inyo ang taong mahal ko, pwede bang pakisabi na lang?
BINABASA MO ANG
Pakisabi Na Lang...
Short StoryIto ang kwento ko, ang kwento ng isang babae na lihim na umiibig at lihim ring nasasaktan. Hindi ko alam kung hanggang kailan mananatiling lihim ang lahat ng nararamdaman ko, wala pa akong lakas ng loob para isatinig ang aking damdamin. Pero kung sa...