Bakasyon na. Wala rin kaming summer classes kaya hindi ko alam kung paano ko kaya siya makikita. Magkasalubong din kaya ang mga landas namin?
Kung tinext ko kaya siya dati, textmate na kaya kami ngayon? I-add ko kaya siya sa friendster, maging close kaya kami? Peste. Ang dami ko na namang tanong.
Binuksan ko ang laptop ko at nagsimulang libangin ang sarili ko. Nagsign in ako sa friendster at agad na pumunta sa profile niya. Buti na lang talaga hindi nakaprivate ang account niya at malaya kong naii-explore yun.
Tinignan ko ang mga picture niya, hindi naman kasi ganun karami ang naka-upload.
"Hoy! Christian Lloyd Rosales, ano bang meron ka at lagi kang nasa isip ko? Ginayuma mo ba ako dati sa twing sinasabayan kitang uminom ng tubig?" Nababaliw na yata ako pati picture niya sa friendster kinakausap ko. Asa naman akong sasagot yun. At asa naman akong ginayuman niya ako.
"Hoy! Loko ka. Wag kang ngumiti ng ganyan. Mayabang ka, eh di ikaw na ang may magandang ngipin." Baliw na nga yata ako. Buti na lang mag-isa lang ako ngayon sa bahay.
Napansin kong hindi siya active sa friendster, sabagay sa panahon ngayon, facebook na ang uso. Baka nga ilang buwan na lang wala na ang friendster eh.
Nagsign in din ako sa facebook at agad sinearch ang pangalan niya.
Christian Lloyd Rosales
15 Mutual Friends, walang duda sa kanya nga ang account na ito at sa profile pic niya pa lang hindi na maikakaila eh.
"I-add mo na siya. Wala namang mawawala sa'yo kung i-aadd mo siya eh." Dikta ng isipan ko.
"Wag! Babae ka, tapos ikaw ang mag-aadd sa lalake hindi tama yan." Kontra naman ng isang parte ng isip ko.
"Eh ano naman kung babae ka, i-aadd mo lang naman, wala kang masamang gagawin dun. Hindi yun magiging kabawasan sa pagiging babae mo day!" Bulong uli ng kabilang parte ng utak ko.
"Eh kung i-add mo siya baka isipin niya interesado ka sa kanya, baka isipin niya may gusto ka sa kanya." Dikta uli ng kabilang parte ng utak ko.
"Wow! I-aadd lang, may gusto agad? Di ba pwedeng gusto lang magparami ng friend sa Facebook at classmate mo naman siya kaya walang masama diba?" Sulsol na naman ng isa.
"Aaaahhhh!" Sigaw ko. Nakakairita naman. Ang corny ng ginagawa ko. Kahit sa pag-add lang sa kanya sa Facebook nagtatalo pa ang isip ko. Bakit ba kasi big deal sa akin yun?
Pinikit ko ang aking mga mata at agad pinindot ang right click ng mouse.
Friend Request Sent.
Oo, inadd ko na siya as a friend. Para matapos na ang pagtatalo sa isipan ko. Simpleng bagay lang naman kasi yun at hindi dapat palikihin. Tama, it's not a big deal. Hindi mali ang i-add siya sa Facebook. Diba? Diba? Diba? Umagree kayo, kailangan kong makumbinse ang sarili ko na hindi yun big deal.
Gising-kain-nood-internet-kain-nood-tulog. Ayan ang naging routine ko nung bakasyon maliban na lang nung nagbaksayon kami sa Auntie ko. Nawala sa daily routine ko ang internet at napalitan ng pasyal. Kaya sa madaling sabi, hindi ko nabibisita ang profile niya nung nagbakasyon ako.
Lagi akong tumitingin sa kaliwa't kanan, taas at baba, likod at harap kapag naglalakwatsa kami nung nagbakasyon ako. Hindi para siguraduhing ligtas ako kapag tatawid o anupaman, simple lang ang dahilan, umaasa ako na baka makita ko siya.
Weirdo ba? Umaasa akong makita ang crush ko sa estrangherong lugar. Sa isang lugar na .00000000000000000000000000000000000000000000000101 lang ang probability na maaaring nandito siya. "Estrangherong tao day, malamang marami kang makita dito. Hahaha." Sabat bigla ng isip ko. Infairness, may point sya dun ah.
Halos isang linggo na rin akong nakauwi mula sa halos humigit isang buwan kong bakasyon pero kahit anino man lang ni Lloyd hindi ko nakita. Kahit nga sana dulo na lang ng buhok niya makita niya ok na sana kaso hindi talaga sinang-ayunan ng tadhana. O tadhana, bakit kay lupit mo?
“Di bale girl, ilang lingo na lang enrollment na, malay mo makita mo siya. Anong malay mo baka may magandang mangyari, tiwala lang. Hahahaha.“Hindi ko alam kung pangungutya ba o pampalubag-loob ang binigay ng baliw kong isipan pero tama siya. Tiwala lang.
Tiwala lang at baka higit pa sa pagsasalubong ng landas ang mangyari sa amin ni Lloyd sa araw ng enrollment.
-------------
Yow. Nakapag-update din dito. Hay. Salamat po mga nagbabasa nito!:))
Maraming salamat talaga! ^________________^
Sobrang ikis yata nito. Sorry po. Babawi ako sa mga susunod na chapter. ^__________^
BINABASA MO ANG
Pakisabi Na Lang...
Historia CortaIto ang kwento ko, ang kwento ng isang babae na lihim na umiibig at lihim ring nasasaktan. Hindi ko alam kung hanggang kailan mananatiling lihim ang lahat ng nararamdaman ko, wala pa akong lakas ng loob para isatinig ang aking damdamin. Pero kung sa...