Chapter 7
“Guys, kasoy oh.” Alok sa amin ni Lloyd ng roasted cashew nuts. Baon nya raw yun nung umalis sila kaso hindi nya nakain.
Dumampot ako nang ilang piraso. Gusto ko sanang itago yung mga kinuha ko, remembrance sana kasi ito ang unang pagkakataon na inalok ako ni Lloyd ng pagkain pero dahil alam kong magmumukha akong katawa-tawa kapag ginawa ko yun, kaya gaya ng iba naming mga kasama kinain ko ang kasoy.
“Condolence nga pala Lloyd.” Sabi ng isa naming kaklase. Nagtaka ako. Namatayan si Lloyd? Sino ang namatay?
“Salamat.” Tugon niya na may payak na ngiti. Halatang pilit lang ang ngiti nya. Nag-iisip pa rin ako kung sino ang namatay. malamang kapamilya niya.
Say something, Bea! Say something! Sabihan mo rin ng condolence o di kaya naman i-comfort mo. Dali. Ora mismo!
Pero walang lumabas na kahit isang salita sa bibig ko. Sa halip, patuloy akong nakinig sa nagsasalita na si Lloyd. Kinukwento niya sa amin ang Lolo niya na yumao. Ang dami nyang kinukwento tungkol sa Lolo niy gaya nang kung gaano sila ka-close. Halatang miss nya na toh. Ang iba naming kasama ay mayroon nang ibinigay na comforting words sa kanya.
Say something Bea. Dali na, pagaanin mo yung loob niy gaya nila.Kahit anong utos ng utak ko sa akin, wala talagang mamutawing salita sa bibig ko. Puro tango at tipid na ngiti lang ang tugon ko habang nakikinig sa kanya, may kung enerhiyang nagpipigil sa akin magsalita. At ang enerhiya na yun ang ideya na baka isipin niyang epal ako kapag nagsalita ako o nagbitaw ng comforting words. Pakiramdam ko kasi ang tanging kailangan lang ni Lloyd ngayon ay ang taong makikinig sa kanya.
“Time na. Andun na si Sir sa taas.” Sabi ni Graciella matapos magbasa ng mensahe sa cellphone nya. Naputol tuloy ang kwentuhan namin. Sayang, may ilang salita na sana akong nais sabihin kay Lloyd kaso hindi ko na nagawa dahil time na nga at nagmamadali na kaming umakyot sa classroom. Sayang ang pagkakataon na makausap si Lloyd.
****
“Ok. Time’s up. Pass your papers in front. Isama niyo na rin lahat ng ginamit niyong scratch.” Sabi ni Sir. Ang bilis talaga tumakbo ng panahon, akalain niyo ayun na ang huling hagupit ng Physics namin. Huling exam na namin yun.
Madali akong lumabas ng classroom pagtapos ko magligpit ng gamit ko.
“Kamusta exam? Ano sagot mo sa number 2?” bungad na tanong sa’kin ni Lloyd. Natigilan ako saglit dun. My gulay!! Kinausap ako ni Lloyd. Parang gusto ko munang tumakbo papunta sa labas ng building namin para sumigaw sandali dahil ang hirap pigilan ng kilig na nararamdaman ko. Gosh!
Teka lang, isang mabilisang inhale exhale muna ang gagawin ko. Papakalmahin ko muna ang kilig nerves ko.
“Hmm. 1.09 time ten raised to negative 9 yung sagot ko. Sa’yo ba?” Medyo nag-aalangan kong sagot. Grabe! Nakakapressure palang kausap tong si Lloyd, buti na lang may sagot ako. Kahiya-hiya naman kung wala.
“Yes! Pareho tayo!” Nakangiting sagot niya sa akin at inangat niya pa ang kamay niya para mag-apir kami. Mabilis naman akong nakipag-apir sa kanya. Parang may sariling utak ang kamay ko at awtomatikong gumalaw.
Oh My Gosh! Oh My Gosh! Kinausap na ako ni Lloyd may bonus pang pagdikit ng kamay. Ito ba ang premyo ko sa pagrereview ng dibdiban sa Physics? Oh My Gosh! My Gulay! I love Physics na!
“Eh sa bonus, anong sagot mo? Decrease or increase?” Nakangiti nya uling tanong sa akin? Ang ganda talaga tignan ng ngiti niya, lumalabas ang pantay-pantay nyang ngipin. Mahal ko na talaga ang Physics. Nakausap ko na si Lloyd, nag-appear pa kami at ngayon nakangiti na naman sya sa akin.
“Increase. Nabasa ko yun kanina sa libro eh. Sa chapter 9 yung question na yun. Ikaw, anong sagot mo?” Buong kumpyansa kung sagot sabay ngiti. Nagdidiwang talaga ang kalooban ko ngayon. Ang saya-saya ko.
“Increase din.” Muli, tinaas uli ni Lloyd ang kamay niya at di na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad na nakipag-apir sa kanya. Kung ganito lagi ang mangyayari, handa akong magfinal exam lagi sa Physics.
Pagtapos magkadikit ng mga palad namin, biglang sumagi sa aking isipin na ito na pala ang huling araw ng klase para sa semester na ito. Gusto ko mang malungkot sa ideyang iyon pero hindi ko kaya. Dahil sa pagtatapos ng semester na ito, pakiramdam ko jackpot talaga ako.
Nakausap ko si Lloyd.
Nginitian ako ni Lloyd.
Nag-apir kami ni Lloyd. Take note, dalwang beses pa.
At higit sa lahat, malakas ang pakiramdam ko na papasa ako sa Physics at dahil pa rin yun kay Lloyd. Dahil si Lloyd, ang inspirasyon ko habang nagrereview ako.
Nakapag-update din. Sisikapin kong i-update ang story na toh straight ngayong linggo. Baka kasi matagalan uli bago ako mag-update.
Maraming Salamat sa'yo!:))

BINABASA MO ANG
Pakisabi Na Lang...
Short StoryIto ang kwento ko, ang kwento ng isang babae na lihim na umiibig at lihim ring nasasaktan. Hindi ko alam kung hanggang kailan mananatiling lihim ang lahat ng nararamdaman ko, wala pa akong lakas ng loob para isatinig ang aking damdamin. Pero kung sa...