Nakakapagod pero hindi susuko

28 4 4
                                    

Minsan nakakapagod na din. Minsan masasabi mo na lamang na ayoko na. Minsan gusto mo na lang na sumuko. At minsan maiisip mo na lang na itigil na.

NAKAKAPAGOD. Nakakapagod na ang buhay na ito. Paulit ulit na lang. Hindi ba pwedeng lagi na lang masaya?

AYOKO NA. Ayoko ng ipagpatuloy pa. Ayoko ng harapin ang lahat ng problemang ito. Nakakapagod, ayoko na.

SUMUKO. Sumuko sa lahat ng pagsubok at problema na dumarating sa buhay mo. Nakakapagod na, ayoko na, gusto ko ng sumuko.

ITIGIL NA. Itigil na itong buhay na ito, takasan ang lahat ng problema at itigil na ang buhay mo. Nakakapagod na, ayoko na, sumuko na, itigil na.

Ngunit minsan maiisip mo na lang, paano na lang yung maiiwan ko sa mundong ito? Paano na lamang kung ititigil ko na ang buhay ko? Paano na lang yung mga pangarap kong nais makamit? Paano na lamang lahat ng iyon?

At ang tanging masasabi mo na lamang ay
"OO NAKAKAPAGOD NA, PERO KAILAN MAN AY HINDI SUSUKO."

Distinct LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon