Plastikada

23 4 4
                                    

Kilala mo ba talaga ang iyong mga kaibigan?

Alam mo ba talaga ang tunay na ugali nila?

Sila ba ay sadyang mapagkakatiwalaan?

Naalaala ko ang sinabi mo sa akin dati. "Oo, pangako hinding hindi kita iiwan dahil kaibigan kita. Hindi ko kailanman sisirain ang tiwala na ibinigay mo sa akin."

Nagtiwala ako sa iyo aking kaibigan. Nagtiwala ako na hindi mo sisirain ang pagkakaibigan natin.

Ngunit bakit dumating na lang ang isang araw na nagkaroon ako ng problema ay wala akong mahagilap. HINDI KITA MAHAGILAP AKING KAIBIGAN.

Akala ko ba kaibigan kita? Akala ko ba hindi mo ako iiwan? Akala ko ba nandiyan ka lang sa tabi ko?

Kaibigan, nagtiwala ako sayo. Hinanap kita dahil kailangan ko ng tulong mo sapagkat mayroong nangaaway sa akin.

Mali. Mali ako...

Mayroong nang aapi sa akin. Mayroong nandedemonyo sa akin.

Pero nasaan ka? Wala ka sa tabi ko.

Ngunit saan kita natagpuan aking kaibigan? Hindi 'bat nakita kita na kausap mo yung mga taong inapak-apakan ako?

Dinig na dinig at tandang tanda ko pa ang sinabi mo sa kanila habang may nakakaloko kang ngisi sa iyong mga labi. "Kaibigan? Kayo ang totoo kong kaibigan, hindi sya. Naiinis ako sa kanya dahil nalalamangan nya ako! Bakit lagi na lang sya? Kelan ba ako magiging una? Pero salamat sa pag tulong nyo sa akin sapagkat nahanap ko sa inyo ang totoo at tunay na kaibigan."

Ang babaw mo aking kaibigan. Hindi ko akalain na lamangan pala ang depenisyon ng pagkakaibigan nating dalawa.

MINSAN HINDI MO INAASAHAN NA YUNG MGA TAONG IYONG PINAGKAKATIWALAAN AY SIYANG PATALIKOD KANG SINISIRAAN.

Distinct LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon