Pinagmamalaki ko ang aking sarili...
Hindi dahil sa maganda ako
Hindi rin dahil sa matalino ako
At lalong hindi dahil sa mayaman ako
Pinagmamalaki ko ang aking sarili sa galing kong magtago ng aking nararamdaman...
"Napakasaya mo naman. Sana lahat."
"Sana ako na lang ikaw."
"Buti ka pa walang problema sa buhay."
Ilan lamang iyan na mga patunay sa galing kong magtago... magtago ng aking tunay at totoong nararamdaman
Kilala nila ako bilang isang masiyahin at mapagbirong tao
Kilala nila ako na laging may ngiti sa mga labi
Ngunit hindi nila kilala ang tunay na ako...
Ang tunay na ako, na sumisigaw at umiiyak tuwing sasapit na ang alas tres ng umaga.
Sumisigaw sapagkat hindi na kinakaya ang mga pagsubok sa buhay.
Umiiyak dahil sa kalungkutan na aking dinadala sa pang araw araw.
Buhay na buhay ang aking diwa tuwing madaling araw sapagkat iyon ang oras na walang nakakadinig at nakakakita sa tunay kong nararamdaman.
Napakagaling.. Napakahusay.. Napakabihasa..
Nakakatawa, hindi nila nakikita ang tunay kong nararamdaman.
Naitatago ko ang lahat ng sakit at pighati na aking dinadala ng hindi nila napapansin.
Ako yung taong nakatago sa mga maskara...
At dahil diyan masasabi ko sa aking sarili na "I am confidently proud to myself on carrying all the pain inside my heart while hiding it to others."
BINABASA MO ANG
Distinct Letters
RandomEach letter in this book is the thoughts that my mind wanted to vociferate.