Nathan
Ano ba tong ginawa ko ? Andito ako ngayon sa condo unit ko hindi muna ako papasok ngayon .. Pati anak ko nadamay dahil sa napakagago niyang ama...
Nakahiga ako ngayon habang iniisip yung nangyari kahapon siguro sobrang galit sakin si nathalie ngayon ... Hindi ko maiwasan ang umiyak dahil nawala ang anak ko ng dahil sakin..
Dinukot ko naman yung litrato ng anak ko.. Mukha akong tanga dito tumatawa habang umiiyak..
Nang may biglang may nagdoorbell
Pagkabukas ko si mommy anong ginagawa niya dito?
" mommy?"
" oh anak anong nangyayari sayo?"
"mommy wala na yung baby ko" umiiyak na saad ko sa kanya
" ha?"
" mommy ako ang may kasalanan kung bakit nawala ang anak ko"
"bakit nathan ?"
" mommy sorry"
" hindi ka dapat nagsosorry sakin dapat kay nathalie"
" mommy binabayaran mo ba talaga si nathalie?"
" anak mabuting tao si nathalie alam mo ba sya yung nagbigay sakin ng pag asa para mabuo ko yong plano kong magpatayo ng restaurant ... At oo anak tinanggap niya yung pera kasi sabi niya kailangan niya daw pero yung mga susunod na binibigay ko sa kanya hindi na niya tinatanggap alam mo anak nakikita ko sa mga mata niya mahal ka talaga niya kaya niyang magtiis para sayo"
" mommy hindi ko na alam ang gagawin ko alam kong galit sya sakin ngayon"
" anak bigyan mo muna sya ng space para sayo at para sa kanya ngayon pag alam mong hindi mo kayang hindi mo sya nakikita o nakakasama at paghinahanap hanap mo sya isa lang ibig sabihin niyan mahal mo na sya"
Mahal ko nga ba sya?
Scarlett POV
" oh parang tulala ka diba dapat magsaya ka kasi nahulog na yung anak ni commoner?" saad sakin ni kylie
" kylie parang mali yung ginawa ko pati bata nadamay"
" no. Dapat magsaya ka"
Nakatulala parin ako hanggaang ngayon dapat matuwa ako pero bakit parang nagagalit ako o naguiguilty ako sa ginawa ko may anak din ako kaya alam ko ang pakiramdam kapag nasasaktan ang anak ko...
Kaya kong pumatay o saktan ang ibang tao para lang sa anak ko ... Ganun din yata si nathalie....
Nathalie POV
" bes ngayon na yung labas mo " tumingin naman ako kay colleen
" colleen salamat ah kasi lagi kayong nandyan sa tabi ko pati ikaw caleb at joseph" ngumiti naman sila sakin
" kaya mo ba silang harapin kapag pumasok ka na?" nag aalalang tanong ni caleb sakin
Nginitian ko naman sila
" hindi ko alam... ".
" bes andito lang kami ha"
" colleen pwede ba akong magrequest sayo?"
" ano yun?"
" bes pwede bang kayo nalang kumuha ng gamit ko sa bahay nila nathan plss " nagtinginan naman silang lahat
" o sige walang problema kasama ko naman tong dalawang to.."
"nathalie sigurado ka na ba?" tanong naman sakin ni joseph
BINABASA MO ANG
The Unmarried Wife
General Fiction"Kung itong pagpaparaya ang dahilan ng pag ligaya mo .. Kahit mahirap gagawin ko kasi mahal kita .." - Nathalie " Hindi kita mamahalin kahit kailan.." - Nathan Ano ang kaya mong gawin para sa taong mahal na mahal mo? Ipaglalaban mo ba sya o hahayaa...