Chapter 10

7.6K 129 84
                                    

Ayoko ko na silang makita naaalibadbaran ako ewan ko parang gusto ko silang saktan sa sobrang galit ko dahil sa kanila kaya nawala ang baby ko..

Aalis na sana ako ng bigla akong pinaringgan ni scarlett..

" oh nandito pala si commoner" sabay tingin nila sakin tiningnan ko naman sila

Tiningnan ko rin si scarlett mula ulo hanggang paa...inuumpisahan niya ako..

" dont. you .look. at. me. like. that commoner" mariin niyang saad

" hoy commoner bakit ka nandito ? Hindi ka bagay dito pang class to bakit ka nandito e sa pagkakaalam ko wala kang sapat na money" sabad ni kylie

Naiyukom ko nalang ang mga kamay ko tiningnan ko si nathan parang wala lang sa kanya ano nga naman iiexpect ko mula sa kanya diba dahil isa syang jerk stupid...

Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumaban sa mga pinagsasabi nila

" oo nga eh sinubukan ko lang kung anong klaseng merong ugali ang mga class na tao .. Nakita ko naman dito parang ang babait nila... IBANG IBA... "

" what do you mean?" saad ni scarlett

" oh? Wag mong sabihin di mo gets?"

Tumingin lang sila sakin

" akala ko pa naman matalino ka .. Ibig kong sabihin kawawa naman kayo kasi maganda nga kayo kung pangit naman ang panloob niyo diba so wala rin" ngumiti naman ako sa kanila

Nakita ko naman na naiinis na sya

" at oo nga pala kung feeling mo na aagawin ko pa rin yang soon to be my EX HUSBAND wag kang mag aalala sayong sayo na saksak mo pa sa katawan mo " mariin kong saad sa kanila

" at ikaw kylie ? Akala ko pa naman mabait ka katulad ka din pala ng kuya mo ! "

" wag.mong.idamay.si.kuya commoner!!" mariin na sigaw niya sakin

" bakit nasasaktan ka? Kasi nga TOTOO!!! Kaya wag kang magsasabi ng kahit anong stupid thoughts ... Dahil baka kapareha mo rin akong tanga sa pagpili ng tao !!" sabay tingin ko kay nathan nakita ko naman syang nakatingin din sa akin bakit parang ang lungkot niya no hindi nagpapanggap lang sya kaya inirapan ko sya

" ha? Anong sabi mo?"

" bingi ka ba? Ok i repeat sabi ko subukan mo pa akong pagsalitaan ng gawa gawa mong kwento at bago ka magsabi ng DUMI ng isang tao pwede ba humarap ka muna sa salamin para makita mo yung Sarili mo!" sasampalin niya sana ako ng pigilan ko sya

"ano? Sasaktan mo ako... Then try me kylie hindi na ako natatakot sa inyo..!! Lalo nasa inyong dalawa ni scarlett" tiningnan ko naman silang dalawa

" minsan nio na akong sinaktan dinamay nio pa ang ANAK KO sisiguraduhin ko naman na hindi niyo na ako masasaktan " tumawa naman sya

" Hahaha kala mo naman kung sino kang matapang? Pwe!"

" ha? Ako pa ginanyan mo kylie bakit hindi yung sarili mo .. Kayong dalawa ni scarlett akala niyo wala kayong dumi ? Hahahaha "

" Huwag mo kaming pagsasalitaan ng ganyan commoner!!!" sigaw ni scarlett

" alam niyo sinasayang niyo ang oras ko.... Kung wala naman kayong magandang sasabihin pwede ba itikom niyo nalang ang bibig niyo? Kasi nakakasira kau ng araw" sabay alis ko narinig ko naman nagpapadyak si kylie ..

Malapit na ang graduation 1 week nalang..

Kaya mabibigay ko na kay nathan ang gusto niya...

Nathan POV

Bakit ganun hinahanap hanap ko sya sa bahay sa school... Parang gusto ko sya puntahan at yakapin pero bawal..

Kanina sa coffe shop nakita ko sya .. Aawatin ko sana si scarlett pero pinigilan ako ni kylie kaya wala akong nagawa..

Tinitigan ko lang sya ... Parang gusto ko syang lapitan at halikan i misss her so much...

Pumunta agad ako sa rooftop pagkatapos naming kumain

  Isinigaw ko lahat lahat ng sakit sa puso ko ... Napaupo nalang ako habang umiiyak..

Hindi ko na alam ang gagawin ko nawalan ako ng anak dahil sakin pati ba naman asawa?

Nathalie POV

Ito na yung araw na pinakahihintay ko ang graduation day !!

" oh nathalie halika na baka mahuli tayo"

" kuya nasabi mo na ba kay kuya jake yung pagtitirhan ko sa new york?"

" oo sabi niya sakin pagkayari mo daw grumaduate pumunta ka na daw dun dahil ok na yung titirhan mo pati trabaho dahil naghahanap daw ng mga bagong aplikante dun"

Meet my cousin Jake Madrigal hes my close cousin at syempre si kuya din..

Nakarating na din kami...

Nathan POV

" oh nathan bakit di ka pa nakabihis?" saad ni mommy

" ayoko mommy "

Nilapitan naman ako ni mommy at syempre nakita niya yung maga kong mata simula kasi nung nawala si nathalie dito na ako lumipat sa bahay nila mommy...

" namamaga nanaman ang mata mo .. Bakit kasi hindi mo sya lapitan? At kausapin ng masinsinan?"

" ayoko mommy .. Natatakot ako.. " bigla ko namang niyakap si mommy

"Nathan.. Alam ko ang nararamdaman mo kaya lang kung itatago mo yan walang magagawa kaya kung maaga pa lapitan mo na sya baka lalong mawala pa sya sayo" kinabahan naman ako sa sinabi ni mommy sakin

" gustuhin ko man .... Natatakot ako na baka lalong magalit sakin si nathalie pag nilapitan ko sya"

" pero anak ayon lang yun para sa ikakabuti niyo ... Sa sarili mo..." nanaig ang katahimikan sa amin ni mommy

" nathan .... Anak mahal mo na ba sya? Kasi kung oo ipaglalaban mo yang nararamdaman mo pero kung hindi........ Hayaan mo nalang sya kasi pareho lang kayong masasaktan"

Tumingin ako kay mommy .... Bigla nalang tumulo ang mga luha ko ... Pinunasan ni mommy ang bawat luhang dumadaloy sa mukha ko

*********************

The Unmarried WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon