CHAPTER TWENTY-FOUR
A l e k
"Professor Cefiro, stop. It's just a dummy." I don't need to look up, I knew that was Harper Galvizo talking. "Talia, come over here," She ordered her best friend, miss Claveria. "Professor, stop. Here's Natalia, listen to her." She pushed Natalia closer to me but she doesn't want to speak a word. I kept on pumping, though. "Professor Cordova, does she have PTSD or something?" I don't have that type of disorder, or do I? I mean, why would I keep on doing this? I can't stop. Just can't.
"Nag-ano kasi 'yan, ah, volunteer work sa remote area na maraming rebelde," Maddie says to Harper. Sana makalusot ang kung ano mang gagawin niyang excuse. "Muntik ma-kidnap, at namatayan pa sila ng kasama no'n, kaya siguro ganyan."
"Ah, okay. Ma'am Alek, okay lang si Talia."
"No. Don't touch her!" Sinigawan ko ang matalik na kaibigan ni Claveria nang subukan niyang kunin ang dummy. "Nobody touches here. She's mine."
"She'll be fine. She's here," Kahit na gano'n ang sinabi ni Maddie, ayoko pa ring bitawan yung dummy. "Tigilan mo na 'to, Alek. Please?"
It's been an hour already. Tanging sina Maddie, Harper, Jacobo, Mykee at Talia na lang ang kasama ko dito sa soccer field pero pakiramdam ko, naroon ako sa gera. Ang labanan kung saan nagsilabasan ang aking mga kauri - ang mga bampira. It was the beginning of the end.
[QUICK FLASHBACK]
"Kaibigan, masyadong marami ang mga kalaban. Hindi natin ito kakayanin," Sabi sa akin ni Kiko Galvizo, ang isa sa aking mga kasama. Isang sundalo ng Pilipinas na ngayon ay isa na ring bampira. "Leona, magdesisyon ka. Kailangan mo nang gawin ang bagay na ito upang matapos na ang paghihirap ng marami. Ikaw na lang ang pag-asa, kaibigan."
"Napakaraming magdurusa dahil sa maling desisyon na aking ginawa, Kiko."
"Nais mo lamang ay makatulong, Leona." Napatingin siya sa aming kasamahang naghihingalo. Nakakapit pa ito sa akin. "Hindi mo kasalanan ang lahat ng ito. Kami, kaming mga tao, ang siyang umabuso sa'yo."
[END OF FLASHBACK]
Hinawakan bigla ni Mykee ang aking braso. Mariin din itong nakatingin sa aking mga mata. "Tama na. Wala na siya. Tumayo ka na dyan," At dahil sa kanyang mga salita ay muli na naman akong bumalik sa aking nakaraan.
"Hindi. Hindi ko kaya."
[QUICK FLASHBACK]
"Leona, narito si Socorro, duguan at nanghihina." Nilapitan ko ang matalik naming kaibigan ni Calista. "Mayroon siyang dalang masamang balita."
Kinabahan ako, na para bang naririnig ko ang puso kong pumipitik ng malakas matapos ang matagal nitong pagkakatulog. "Ano ang iyong dalang mensahe?" Naluha ako nang bigla na lamang siyang bumagsak mula sa kanyang pagkakatayo. "Socorro, magsalita ka!"
"Dinakip nila si Calista."
"Hindi." Kahit na hindi ko pa man naririnig ang kanyang ibig iparating sa akin ay agad kong naamoy ang dugo ni Calista sa kanyang mga kasuotan at pati na rin sa kanyang mga kamay. "Hindi totoo 'yan. Nasaan siya? Si Calista, hindi. Hindi maaari. Hindi!"
[END OF FLASHBACK]
Dahil patuloy pa rin ako sa pag-pump sa medical dummy, si Jacobo Lobregat na mismo ang lumapit sa akin. "Doctor Cefiro, please stop this. There's no point in resuscitating a dummy because it's a non-living thing." But then again, he couldn't stop me. Instead, he took me back to the war.
![](https://img.wattpad.com/cover/39292360-288-k990759.jpg)
BINABASA MO ANG
Tall, Dark and Dead
Vampire"I want to taste your sweet plasma." Vampires? I never believed in such things until I found the most beautiful and ruthless of them all. Guess what? She's my professor, too!