Malikhain

9 0 0
                                    

Goodbye Junior high and Hello Senior high.

Halos dalawang taon na ang lumipas.

Ang pangkat malikhain ay naglaho- ang sinabing matatag ay gumiba. Ang tinuring na pamilya ay nagkawatak-watak.

Ang ilan ay nanatili sa paaralan na kinagisnan. Ang ilan naman ay tuluyang tinalikuran at kinalimutan ang apat na taong kinilalang pangalawang tahanan.

Masakit mang isipin na ang dati ay na palitan ng bago.

Bagong eskwelahan.

Bagong kaibigan.

Bagong buhay.

Hindi inaasahan na ang mga tinuring kapatid sa loob ng apat na taon ay dadaan dadaanan ka lang. Walang kaway o tango sa taong nakasalubong.

Kungbaga, isang taong hindi kilala at pilit na hindi kinikilala.

Masakit.... pero may magagawa pa ba?

Ang matatag ay nagigiba din.

Ang pamilya ay nagwawatak-watak din.

Ang mga tao ay nakakalimot din.

Ang mga bagay ay nagbabago din.

Lahat ay hindi permanente, lahat ng yan ay iiwanan ka din sa huli. Kakalimutan ka din.

Kaya, habang nan diyan pa- pahalagahan mo na. Mahalin mo na.

pero sa ngayon....

Paalam na muna.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 15, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pages of my heartWhere stories live. Discover now