UP #1

51 0 0
                                    

Paghihintay ko na walang-hanggan



Minsan kasi nakakapagod na. Minsan gusto kong sabihin na "Ayoko na"
Pero pinipilit ko parin dahil nga,
Pinangako ko sa sarili ko na ikaw lang, wala ng iba.

Pero pano na yun ngayon?
Pag nagbago ang gusto ko sa pagdaan ng panahon
Maiisip parin ba kita bilang memorya ng kahapon?
O itatago na lamang ang pagibig sa isang kahon?

Pasensiya mahal kung di matupad ang pangako
Kahit sinabi ko na itaga mo pa iyon sa bato,
At sa pagtanda ay iyong itago.
Ngunit mahal may sasabihin lang ako sa iyo
Na minahal kita ng buong-buo
Pero hindi ko na talaga kinaya ang tukso
Pinakawalan na kita pati na ang aking puso

Kaya sana naman mahal ay hindi mo ako makalimutan
Dahil ika'y aalalahanin ko magpakailanman
Hindi man tayo magkatuluyan,
Pero ang pagibig ko sayo ay walang-hanggan
Kahit ito'y kaunti na lamang,
May parte na sa iyo ko parin ilalaan

Mahal, ako'y napagod man
Sana ako nama'y hindi makalimutan

Mahal na mahal kita
At hindi ko ito ikakahiya
Dadalin ko sa pagtanda,
Ang ginawa nating memorya

Siguro ay ika'y binitawan,
Pero tandaan mo na kailan man
Hindi kita pinaglaruan,
O ikinahiya man lang

I love you so much!

Hanggang dito nalang siguro mahal,
Iloveyou ulit

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon