UP #9

17 1 1
                                    


                                                                                                                   Unang Pag-ibig


Hindi ko inakala

na ika'y aking makikilala

At hindi ako makapaniwala

Na sa unang pagkakataon ay ako'y nahulog na

Noon ay aki'y ipinasawalang bahala

Dahil masyado pa nga akong bata

Pero nung nakita ka ay may namuong kaba

Hindi alam kung saan pupunta

Nagkalauna'y nakilala kita

At napagalaman ko na

Sa maikling panahon na nakilala kita

Ako ay tuluyang nahulog na

Sa murang edad ko

Napagalaman ko,

Hindi hadlang ang edad para mahalin ang isang tao

At umibig ng totoo

Kaya sabihin mo kung mahal mo ako o hindi

Titiisin ko ang hapdi

At lahat ng kaakibat nitong sakit

Kapag sinabi mo'y hindi

Iipunin ko ang ating alaala

Noong tayo ay bata pa

Kahit mapait,

At Masakit

Mahal na mahal kita

Hindi ko ipagkakaila

At hindi ko kailan man ikakahiya

Na ikaw ang pag-ibig kong una




Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon