UP #4

27 0 0
                                    

Kailan pa ba ito matatapos?
Kapag ang aking puso ay napaos?
Dahil sa pagsigaw ng pangalan mo na parang di na matatapos

Bakit ba ako lagi ang magsasakripisyo?
Ang hirap kasi dahil isa lang naman akong tao
Kung para sayo laro lang to,
Sana maisip mo naman na mahal kita at napapagod narin ako
Nasasaktan dahil ang bigat na ng kalooban ko.

Minsan talaga gusto ko nang sumuko
Dahil sabi nila kapag di mo kaya, wag mo na ipilit pa ito
Pero iba na ngayon ang laro,
Magpahinga kalang at wag kang susuko.
Oo, hindi madali ang makipaglaban lalo na kapag alam mong ikaw ay talo
Pero kailan man ipaglalaban ko ang pagibig ko sayo
Di ako kailanman susuko
Di ko alam kung ito'y aking habambuhay na ipinapangako
Pero ito ang tandaan mo,
Minahal kita nang buong buo.


Sana pahalagahan mo naman ako, Ginoo
Kahit hindi tulad nang pagpapahalaga ko sayo
Basta kahit konti ako'y pahalagahan mo
Hihintayin ko ang pangyayaring ito, mahal ko



Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon