UP #2

45 0 0
                                    

Hiling

Naaalala mo pa ba?
Nung mga panahon na nagpapalitan tayo ng matatamis na salita
At nagsasabihan ng mahal kita
Sana'y wag mong ikaila
Na ako'y minahal mo kahit ito'y noon pa

Pero wag kang magalala,
Di ni kita guguluhin pa
Isang hiling lang naman ay sapat na
Hiling na sana'y matupad mo pa

Ito ang hiling ko,
Sana hindi ka magbago,
Ung malambing at mapagmahal na tao,
Hindi man ako ang babaeng susuyuin mo
Maging masaya kalang, dun ako

Oo mahal, ang hirap tanggapin
Na hindi na ako ang iyong iisipin
Na hindi na ako ang iyong mamahalin
Pero parte ito ng buhay natin
Na may dapat palalayain

Mahal na Mahal kita
At susuportahan kita kung saan masaya ka
Kahit ang kapalit ay ika'y lumaya

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon