UP #11

6 0 0
                                    


"Paalam"

Eto nanaman ako
Palagi nalang ganito
Hindi masabi ng harapan sayo
Kaya nagpasiyahan na isulat ito

Ilang taon ng gumagawa nito
Mga tulang nakatambak na ata ng isang siglo
Hindi naman masabi o maiabot sayo
Nauunahan kasi ng nerbyos ang isang tulad ko

Gusto ko lang naman magkwento
Mula simula hanggang dulo
Kung paano nagsimula ito
Kung bakit nagkagusto ako sayo

Magsimula nalang tayo sa dulo
Dahil dito naman natatapos ang bawat kwento
Para naman maiba tayo
Oo nga pala, walang tayo

Nasaktan ako
Nagpakatanga at wasak ako
Umasa na magugustuhan mo din ako
Umasang magiging tayo

Nung napaginipan kita
Sana hindi na pala gumising pa
Ng ika'y makasama
Kahit ito'y panaginip pa

Sa bawat sulyap na gawin sayo
Sa bawat ngiting umuukit sa mga labi mo
Sa bawat tibok nang puso ko
Gusto kitang lapitan pero ayaw ng mga paa ko

Sana pala kilala mo ako
Edi sana nagkapagasa ako sayo
Di sana ako nanlulumo
Tumatangis dahil sayo

Sige na bumalik na tayo sa kwento
Noong hanggang sulyap palang ako sayo
Wala pang nakakaalam maliban sa puso ko
Walang nakakaalam na sayo'y natamaan ako

Ang saya mo pala
Pero may kumirot bigla
May nalaman kasi ang puso kong kakaiba
Oo ika'y masaya, pero sa piling ng iba

Pinilit kong maging masaya
Ngumiti at tumawa
Pero hanggang panggap nalang pala
Kasi nung wala akong kasama kumawala ang sunod-sunod na luha

Ang sakit pala kapag may gusto
Pero ngayon ko lang napagtanto
Na ang dating "Ika'y gusto ko"
Nauwi sa "Ikaw ang mahal ko"

Pinaikli ko lamang ang kwento
Para madali nang matapos ito
Di ko na ipinahayag ang ibang pangyayari na nakatago sa puso
Baka hindi mapiglan ay lumuha nanaman ako

Hindi ko isinusumbat ang sakit na nararamdaman ko sayo
Sinasabi ko lang ang saloobin ko
Ang mga memoryang pilit kong itinatago
Para mabawasan kahit papaano ang sakit na ito

Hindi ko pala nasabi sayo
Na may sakit ako
Tanging ang nakakaalam ay ikaw at pamilya ko
Sana wag mo sabihin sa ibang tao

May sakit ako sa puso
Hindi ito hugot o biro
Hindi ko rin sinasabi to para maawa ka sa kalagayan ko
Gusto ko lamang ipag-bigay alam sayo

Ilang araw nalang ay parang mawawala na ko
Dito sa hindi makatarungan na mundo
At kung mawawala ako
Sana naman makita ko ang mukha mo

Kahit sa aking nalalabing segundo
Makita lamang ng mga mata ko
Ang maamong mukha mo
At natatangi mong bango

Ang sakit na nararamdaman ay ito ang bunga
Isang sakit na matagal ko na palang iniinda
Pero ipinasasawalang bahala
Akala kasi sakit na pansamantala

Ayoko pa sanang mawalan ng pagasa
Pero wala eh, may mahal ka ng iba
Kaya umiyak ako ng malala
Para mailabas lahat ng sakit na iniinda

Kaya inatake nanaman ako
Nahirapan huminga lalo
Kaya habang naka-upo sa kamang ito
Tatapusin ko na ang tulang 'to

At kung mawawala man ako
Ayokong malungkot ang mahal ko
Sana makita pa kita
Bago ipikit ang mga mata

At ika'y magpakasaya
Sa mahal mong iba
Wag ka nang magalala
Ako'y magiging masaya

Alagaan mo ang sarili mo
Wag kang susuko
Kahit di man ako naging parte ng buhay mo
Basta, ikaw ang mahal ko

Kahit nasa langit na ako
Tatanawin ka lagi ng mga mata ko
Ikaw lang sapat na,
Ikaw lang, wala ng iba

Mahal kita.

------------------------------------------------------------------

A/N:

Isa 'to sa mga pinakamahabang tulang nagawa ko sana ma-appreciate niyo. Sorry natagalan ng sobra ang UD.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unspoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon