Chapter 20

302 7 3
                                    




*Rhea's POV*

"Mmm! This is so delicious!" Sabi ni Ate Gem habang kumakain ng bulalo. Ngumiti ako at nagpatuloy sa pagkain. Dito kami kumakain sa Kainang Pinoy dahil gusto kong matikman nila ang mga lutong Pinoy. Actually, favorite place namin ito ng buong family ko. Every family day namin, dito talaga kami kumakain. Ang ganda rin ng theme dito, parang pang 19th century. May biglang manghaharana sa table niyo, at may magtutula. Ganda diba?

Maraming foreigners ang nandito. Ang saya nilang tignan, dahil naaappreciate nila ang kulturang Pinoy. "Suki!" Sabi ng waiter sa akin na nagngangalang Cocoy. Nginitian ko siya at nag wave. "Magandang tanghali sa iyo, binibini. Pati na rin sa mga kasama mo. Sana'y nagustuhan nila ang mga putahe namin."

"Ginoong Cocoy naman, sinong hindi magugustuhan ang luto niyo? Sobrang sarap kaya ng inyong pagkaluto!" Sabi ko. Napanganga nalang si Ate Gem namin kasi di niya naintindihan ang aming pinagsasabi. Si Sir naman ay nakangiti habang kumakain. Napansin ni Kuya Cocoy ang reaksyon ni Ate Gem. "I will just speak in English for our visitors. I'm Cocoy by the way, at your service!" Sabi niya. Nakangiti na si Ate Gem at nagpakilala na rin siya. "My pare right here would like to make harana to you, binibini... A serenade." Sabi ni Kuya Cocoy. Nagsimula na silang magharana kay Ate Gem at napangiti nalang kami ni Sir.






Nandito na kami ngayon sa cinehan, nanonood ng horror film. Parang nganginginig ako ngayon sa takot. Gusto ko nang lumabas, pero sayang yung bayad ni Ate Gem kung magwo-walk out lang ako. Nagsigawan na silang lahat, habang ako ay tinatakpan ko ang mga mata ko. May narinig akong tumawa at yun ay si Sir. Tawa lang talaga siya. Parang nanonood lang ng comedy. Nagtagpo ang aming mga tingin. Ngumiti siya at parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kilig dahil sa sobrang ganda ng tinitignan ko. Parang nawala ang takot ko. Siyempre, di na yung horror ang tinitignan ko, kundi ang kaisa-isang lalake na sobrang nagpapatibok ng puso ko. Tinakpan ko ang bibig at ilong ko gamit ang kamay ko, dahil nakangiti ako. Kinuha niya yung mga kamay ko at mas ngumiti siya. Tumingin nalang ako ulit sa movie at kumain ng popcorn nang dahil sa sobrang kilig. Mierda talaga. Please lang, tukso layuan mo ako.




Pagkatapos manood, pumunta kami sa arcade. Sobrang saya ni Ate Gem nung nakita niya ang arcade. "Oh my gosh! This place is so cool!" Sabi niya. Napangiti ako sa kanya. Sa totoo lang, para siyang bata. Nagsimula na siyang maglaro, kanina pa, habang kami ni sir ay nakatayo lang. Lumakas na naman ang kabog ng dibdib ko. Inilagay ko ang palad ko sa dibdib ko at napangiti. Mierda tong puso ko. "Okay ka lang?" Tanong ni sir. Natauhan ako at napatingin sa kanya. "Ha? Oo! Okay lang po." Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa isang giant toy catcher machine. "I'll try this for you." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ano? Totoo? "Anong gusto mo? Stitch? Doraemon? Pikachu? Hello Kitty? Minion?" Dagdag niya. "M-minion... S-sir." Sagot ko. "Nice choice." Ngumiti siya at nag hulog na ng token sa machine. Nagsimula na siya at sobrang seryoso siya sa ginagawa niya. Tinignan ko siya habang may chance ako. Bakit sobrang gwapo niya? Sobrang gwapo niyang tignan kapag nagco-concentrate. "YES!" Sigaw niya. Napatingin ako sa machine at nakita kong nakuha ni Sir ang giant minion stuffed toy. Nung kinuha na ni Sir ang stuffed toy, hinalikan niya muna ito. Jusko, ang swerte ng toy. "Here it is... You should name this cute toy." Inabot niya sa akin ang toy at tinanggap ko with a smile and thanks. "Wala akong maisip eh." Napailing ako. Lumapit siya sa akin and now we're inches away from each other. "What if you combine my name and your name?" Jusko. Totoo ba tong nangyayari sa akin ngayon? Kinurot ko ang sarili ko at naniniwala na ako na totoo ang lahat ng ito. Sir, please lang, wag mo muna akong landiin. Bata pa ako... Ulol, ginusto mo rin to. "P-pwe-pwede." I stuttered. Napaisip siya, tumingin siya sa itaas habang nakapout. Natawa ako sa nakikita ko, dahilan na napatingin siya sa akin at ginulo ang buhok ko. "I know this sounds lame... You should name it Harrea. Harry plus Rhea, Harrea." Uminit ang mga pisngi ko. Grabe, nag effort talaga siyang mag-isip ng ipapangalan ng minion na 'to. Tumango ako at tumalikod na sa kanya bago pa niyang makita ang mukha kong parang kamatis sa sobrang pula. Biglang dumating si Ate Gem at ang sobrang laki ng ngiti niya. "Wow! I was just gone for a while, and look what you two got!" Lumayo ako kay Sir at tinago ang mukha ko kay Harrea.  Tsk, time flies so fast. We need to take you home or your mum is going to kill us." Napatawa nalang kaming tatlo at umalis na kami.






During the trip pauwi sa bahay ko, kinakausap ni Ate Gem yung driver habang kami ni Sir ay sobrang tahimik. Gusto ko sanang magsalita, pero nahihiya ako. Parang ganun din siya. Nasa gitna namin si Harrea at nakikita kong kinukurot niya ito. Magsasalita na sana ako, pero naunahan niya ako. "I hope you like this day." napatingin ako sa mga mata niya. Nakita kong puno ito ng saya. Tumango ako at ngumiti. "Thank you talaga sa inyo ni Ate Gem... Thank you rin talaga kay... Harrea." Ngumiti na rin siya at napatingin kay Harrea, "Alagaan mo si Harrea ha?" Tumango ulit ako at nagtama na naman ang tingin namin sa isa't-isa. Bigla kaming napaiwas. Mas grabe ang tibok ng puso ko ngayon. Di ko na maintindihan sa sobrang lakas. Huminga ako ng malalim. "Rhea?" lumingon ulit ako sa kanya. "For me, this is a walk to remember. Thank you so much." Ngumiti siya. Gusto ko nang makaabot na kami sa bahay ko para doon ko na mailabas ang lahat ng nararamdaman kong kilig at saya. "I know this won't be the last one." Ayun, patay na ako.






"IKUWENTO MO NAMAN ANG NANGYARI SA LAKAD NIYO!" Reklamo ni Ate Richell. Kanina pa niya ako kinukulit. Nandito kami ngayon sa kwarto ko, nakaupo sa kama ko habang pinipisil si Harrea. "Masaya ba? Saan kayo nagpunta? Kayo na ba-" di niya naituloy ang sinabi niya dahil tinakpan ko ang bibig niya. "Hindi noh!.. Ibig kong sabihin, paano magiging kami eh di nga siya nanligaw. Tapos teacher ko siya no! Sa lakad namin, sobrang saya talaga. Kumain kami sa Kainang Pinoy, nanood ng horror, tapos nag arcade kami. Yun lang, pero ang saya."Sabi ko. "Bakas talaga sa face mo, bunsoy. Grabe ang experience mo ngayon, nakakainggit. Eto namang Harrea na 'to ang naging saksi sa inyong paghaharutan kanina. Susme! Kung makapagsalita lang talaga tong minion na 'to, siguro marami na akong malalaman tungkol sa inyong dalawa." Napatawa nalang ako at pinaalis ko na si Ate sa kwarto ko dahil matutulog na ako. "Good night, bunsoy! See you in dreamland kasama ang future bf mo." Inirapan ko nalang siya bago siya tuluyang umalis sa kwarto ko. Tinignan ko si Harrea at kinausap, "Harrea, nang dahil sa iyo, parang naging instant mama ako dahil sabi ni Sir, aalagaan raw kita. Gagawin ko yun para sa'yo, at siyempre para sa nagbigay sa'yo sa akin." Natauhan ako sa sinabi ko at napatawa nalang. "That was a walk worth remembering."




--------------------------------------------------------


Vote, Comment, and follow me. :)


-Gabxx

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon