Chapter 27

310 12 3
                                    



I opened my eyes to see that nasa school ako. Ako lang ang nasa classroom. Tumayo ako sa kinauupuan ko nung may biglang pumasok sa room. Isang babae na blonde ang buhok at sobrang puti niya. Tumingin siya sa akin at nakangiti. Lumapit siya at biglang nawala ang ngiti niya.

"You're Rhea, right?" Sabi niya.

Tumango lang ako.

"You're no good for him."

Biglang tumulo ang luha ko at agad kong pinunasan iyon. Kilala ko agad kung sino ang ibig niyang sabihin. Si Sir Styles. Di ko kayang mawala siya sa buhay ko. Mahal ko siya.

"You and him should never be together."

Umiyak na ako dahil sa sobrang sakit. Dumating si Sir Styles at hinawakan niya ang kamay ng babae. He looked at me na parang hindi niya ako kilala. Bumulong siya sa babae at tumingin ulit sa akin. Sobrang sakit ng dibdib ko.

Nagsimula na silang maglakad palabas ng classroom, pero bago sila makalabas, tumingin si Sir with a cold look.

"Mahal kita." Bulong ko.

"Sorry." Yun ang huling sinabi niya at tuluyan na silang nawala sa paningin ko.

Napaluhod ako sa sahig at di ko na mapigilan ang mga luha ko.

"Rhea!" May tumawag sa akin. "Rhea gumising ka!"

I opened my eyes to see Raphael waking me up. Umupo ako at agad akong napayakap sa kaniya.

"Shh. It's okay. I'm here." Bulong niya habang hinihimas niya ang likod ko. "Bad dream?"

Tumango nalang ako at tumigil na sa pag-iyak.

"Okay ka na?" Tumingin siya sa mga mata ko. "Wash your face na. Magbebreakfast pa tayo. Tapos mamamasyal pa tayo.




"Have you been crying, anak?" Tanong ni mama.


Umiling ako at ngumiti nalang. Nagpatuloy ako sa pagkain ko habang sila ay nag-uusap tungkol sa mga plano nila for the whole break. 



"Tita, Tito, Mom, may pupuntahan kami ni Rhea." Sabi ni Raphael. 


Lumingon ako sa kanya. Biglang nag vibrate ang phone ko at tinignan ko kung sino ang nag text.


'Good morning, love. Hope you'll have a great day. x'

Napangiti ako sa text niya at nagreply agad.


'Good morning rin. Sana ikaw rin. :)'

'Mahimbing ba ang tulog mo kanina? Napanaginipan mo ba ako? Kasi ako, I did. It was actually the best dream I had. ;)'


Uminit ang mga pisngi ko.


'Oo. Sobrang himbing. Napanaginipan rin kita.'


Then naalala ko yung panaginip ko. Sumakit ang dibdib ko sa tuwing naalala ko yun.

Rhea, panaginip lang yun. Di yun totoo. Hinding-hindi yun magiging totoo.


"Rhea, tara na. Tito and Tita said yes na." Sabi ni Raphael na nasa tabi ko na pala. 


Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon