Chapter 21

321 8 2
                                    


*Rhea's POV*

*Wednesday*




"Nag review ka na ba?" Tanong ni Regine sa akin. Oo nga pala, may summative kami mamaya sa Science. "Excuse me? Si Rhea? Magre-review sa Science? Kailan pa mangyayari yan? Science genius kaya tong bespren natin."Sabi naman ni Stephanie. "Sigurado akong perfect 'tong babaeng 'to dahil parang nasa mukha na ni Sir ang mga sagot." Sabi ni Gaeb at napatawa sila. "Kayo talaga, wag nga nating tinutukso si Rhea, baka mapagalitan tayo ng asawa niya." Sabi ni Jesa. Inirapan ko nalang sila at nag review. Alam na nila na gumala ako kasama si Sir at Ate Gem, pero di ko na sinabi yung tungkol sa stuffed toy na kinuha ni sir para sa akin na si Harrea. "Penge papel mamaya ha? Mrs. Styles." Sabi naman ni Gaeb sa akin at bigla akong napangiti. Hala. Agad naman akong nag poker face. "Aba, ba't ngumiti ka?" Tanong niya. Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay, "wala no!" depensa ko. "Asus, deny ka pa. Basta, penge ako papel mamaya ha?" Sabi niya. "Oo na." Sagot ko at nagpatuloy sa aking pagre-review. Tumingin ako sa wall clock, 7:10 pa naman ngayon.


Dumating na ang reyna ng Gemini, si Agatha. Umupo siya sa kanyang upuan at nagsimula na naman siya sa kanyang ritwal, ang mag make-up. Every morning talaga siyang ganyan. Makeup ng makeup, kapag tinatanong ng teacher, walang maisagot. Kaloka. "Wanna try?" Tanong niya sa akin at di ko namalayan na nakatingin pala ako sa kanya. "Ha? Uh, hindi." Napailing ako at umiwas ng tingin. "You look beautiful kapag naka makeup." Sabi pa niya. "Para di ka naman magmukhang patay." Dagdag pa talaga niya. Napatingin ako sa kanya. "Okay lang, at least magandang patay, kesa sa prosti na walang customer." Biglang lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon. Parang di naman ako nag regret. Punong-puno na kasi ako sa kanya. Since the day na andito siya, binibigyan na niya talaga ako ng bad vibes. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan, "Said what, bitch?". Nanlaki ang mga mata ko. Sobra na tong babaeng to. Kay liit mo pa naman. Lumapit na siya sa akin and she crossed her arms. "Matapang ka na ngayon ah?" Sabi niya.  "Sorry ah? Gusto ko na sana kitang sampalin, kaso I don't hit little girls eh." Sinubukan kong mag taray sa kanya. All eyes were on us, naghihintay kung anong susunod na mangyayari. Parang sinampal siya ng realidad, baka na realize niya na 4'9 against 5'8 is not a great idea to start a cat fight. "What's going on here?" Napalingon kami kay Sir na kakarating pa lamang. "Wala naman, Sir... May tinatanong lang ako." Sabi ni Agatha. Tumingin ako sa kanya at umupo na ako ulit. "Di pa tayo tapos, Rhea." She whispered, enough for me to hear it. Tinignan ko lang siya ng walang takot, ba't naman ako matatakot sa kanya? Bumalik na siya sa upuan niya at napabuntong-hininga nalang siya. "Tapang mo ngayon." Bulong ni Gaeb. "Basta, penge parin ako ng papel ha?"








"Get one whole sheet of paper." Sabi ni Sir. Lumingon na ako kay Gaeb. "Penge paper hihi." Napangiti ako dahil sa mukha niya. Mukha siyang tuta. Binigyan ko na siya ng papel at nagpasalamat siya. "Don't forget to write your name." Sabi niya habang nakatingin sa akin. Ngumiti siya at naalala ko yung nangyari noong lunes. Nakalimutan ko kasing isulat yung pangalan ko noong quiz namin sa English last Monday. Buti nalang at nakilala ni sir ang penmanship ko. Oo, kilala na niya, siya pa mismo ang sumulat sa pangalan ko. Tumingin ako sa papel ko at napangiti nalang. Dinistribute na ni sir ang mga questionnaires, nung nakaabot na siya sa akin, binigyan niya ako ng questionnaire. I flipped to the other page of the questionnaire, at may sticky note.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon