#5 ANGER

125 0 0
                                    

And lastly, ANGER. The most dangerous and reckless driver of all. Many people are driven by anger. Yung matinding galit o poot nila ang hinahayaan nilang mag-control ng buhay nila.

Isipin mo nalang, galing ka sa isang away o nag away kayo ng officemate mo, ng nanay mo o ng boyfriend/girlfriend mo tapos magd-drive ka ng masama ang loob. I am 100% sure, sigurado ako na ang tulin ng patakbo mo at wala kang pakialam sa paligid mo! Bakit? Gigil ka e! Ang tindi ng kapit mo! Alam mo yung gusto mong ilabas ang galit mo pero hindi mo magawa? And ang tendency sa manibela mo ilabas ang galit mo.

We can never think what's right if we are in madness. Never. Hangga't hindi humuhupa ang panginginig ng laman mo sa tindi ng galit, hindi ka makakapag isip ng tama dahil ang nararamdaman mo lang gusto mo din siya bawian! "Brad, walang ungusan! Hindi ubra sa'kin 'to!" qiqiL mo3 xi aqoe!

Hindi ka makatulog sa kakaisip sa ginawa niya sa'yo! Hindi ka makangiti! Hindi ka makapag isip! Hindi mo na napapansin ang paligid mo! Why? Dahil ang gusto mo lang mabigwasan ng isa yung kaaway mo. Tama ba?

Hindi ka makapag patawad...

"Hoyy sa palengke lang pwede tumawad, 'wag nga ako."

Napaka sarap sa pakiramdam ang matulog ng walang kaaway. Yung alam mo sa sarili mo na wala kang tinatapakan na tao, walang naiinis sa'yo, walang dahilan para hindi ka maging masaya. Oo, parte sa buhay natin maranasan natin na sumama ang loob, but let us always remember na don't let negative things own your life.

Why worry yourself? If you did your part which is to forgive, hindi mo na kailangan ikulong ang sarili mo. Kahit sino pa ang nagkamali sa inyo, forgive. Lahat tayo nakakagawa ng maling desisyon at kahit gaano pa kasakit, gaano pa kalaki ang kasalanan na ginawa niya sa'yo na naging dahilan ng matinding galit mo. Forgive.

The bible says in Matthew 6:15 "But if you do not forgive others their sins, your Father will not forgive your sins"

Sabi nga, sino tayo upang hindi magpatawad, ang Diyos nga pinatawad tayo sa lahat ng kasalanan natin.

Noong pinako siya sa krus, lahat ng kasalanan natin kasama niyang dinala, inako niyang lahat mapatawad lamang tayo. Ang matindi doon, hindi naman niya kasalanan 'yon. Dapat tayo ang nagbabayad sa mga kasalanan natin pero hindi, sinalo niya lahat upang maging malaya tayo at mamuhay sa piling niya. Kaya sino tayo upang hindi magpatawad?

Forgiveness is the way to be freed! Magiging malaya ka lang sa sakit na nararamdaman mo kung tatanggapin mo na nangyari na ang lahat! Kung papatawarin mo ang taong nanakit sa'yo at kung patatawarin mo ang sarili mo!

Set free.

What drives your life?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon