Hinahalikan niya ako sa tenga at bumulong siya sa akin. Matagal na kitang gusto Cris,matagal na kitang ini istalk sa social sites,sa Production floor at matagal ko ng alam ang gender preference mo kaso wala lang akong lakas ng loob sabihin sayo na gusto kita o lumapit man lang sayo kasi nahihiya ako at anjan lagi si Jeff sa tabi mo, nag seselos ako pag lagi kayong magkasama,
kung manliligaw ako sayo? May pag asa ba ako? Bulong niya. Natulala ako sa sinabi niya at nawala ang tama ng alak sa katawan ko at napatayo ako, hindi agad nag sink in lahat ng sinabi niya, hindi ako makapaniwala na sa hitsura niya na pumapatol siya sa beki kasi straight siya. At hindi ko akalain na alam niya na isa akong beki, hindi ko kasi pinapahalata sa lahat na isa akong beki. At aaminin ko sa sarili ko nung una ko siyang makita ay pinagnasahan ko siya kasi naman sa tindig niya at halos perpekto na para sa isang boyfriend pero wala akong na nararamdaman na feelings(Love)para sa kanya (feeling of LUST dati).
Teka teka! Brix? Wait lang, so matagal mo nang alam na beki ako?tapos gusto mo ako? Bakit? Paano? Kelan? Diba straight ka? Hindi kita maintindihan,sagot ko.
Oo matagal ko nang alam na beki ka unang kita ko pa lang sayo alam ko na, kaya nga hindi ko alam kung bakit Cris eh, Alam ko sa sarili ko na straight ako pero, naramdaman ko na lang bigla, basta ang alam ko gusto ko lagi kitang nakikita, nakakasama at nag seselos ako pag magkasama kayo ni Jeff, naiinggit ako gusto ko ako kasama mo, hindi ko talaga ma explain Cris, hindi ko pa naramdaman ang ganito dati, first time ko magkagusto sa kapwa lalaki, sagot niya habang napapaluha. Nung una akala ko pinagtritripan lang ako ni Brix parang prank kumbaga, pero nakita ko sa mga mata niya na sobrang totoo lahat nang binunyag niya, kasi "eyes dont lie" makikita mo sa mga mata ng tao kung nagsisinungaling o nagsasabi ng totoo, hindi ko siya masagot nung mga oras na yun kasi shock pa ako sa mga sinabi niya, tulala lang ako habang nakatingin sa kanya kaya nagbihis si Brix at dali daling lumabas sa kwarto. Sinundan ko siya pero hindi ko na mahagilap, kaya minabuti ko na lang na maglakad lakad sa paligid , habang nag lalakad ako sa may pangpang nakita ko si Brix naka upo. Brix? Ok ka lang ba? Sorry kung hindi kita masasagot ngayon kasi gulong gulong ang isip ko sa sinabi mo, naguguluhan ako sa nararamdaman ko, sorry ha , sabi ko. Ok lang Cris hindi ko naman hiniling sagutin mo agad ang tanong ko, kahit nga ako naguguluhan sa nararamdaman ko, hindi ko alam kung paano o saan nag simula ang nararamdaman ko para sayo, sagot niya. Patuloy kami sa pag uusap, Hindi namin namalayan na alas 3 na ng madaling araw kaya inaya ko na siya sa bumalik sa kwarto para mag pahinga at hindi na siya tumabi sa pag tulog sa akin, sa sofa siya natulog. Pag gising ko wala na si Brix sa sofa. Naligo na ako at pumunta sa mga ka team ko para mag breakfast. Sessy Cris!!!!!!!!!! Oh my God!!!! Anong nangyari sa inyo kagabi ni Brix? Malaki ba? Masarap siyang humalik? Nasaktan ka ba? Ano? Ano? Update bilis!!! Sigaw ni Kelly. Hoy hinaan mo boses mo, grabe kung makasigaw abot hanggang kabilang island boses mo, walang nangyari sa amin, mabait si Brix, gentlemen at tsaka straight siya uy! kaya wag kang mag isip ng ganyan, sa sofa siya natulog, sagot ko. Hindi na nagpumilit si Kelly mag tanong pa kasi wala naman talagang nangyari sa amin, at tsaka ayokong sabihin kung ano ba talaga ang mga nangyari kagabi kasi baka umabot pa to sa trabaho ko nahihiya ako, baka maraming atribida ang magsimula ng chismis, pero halos ng ka team namin na intriga dahil sa sinabi ni Kelly, at napansin ko wala si Brix sa breakfast. Gusto ko sanang mag tanong kung saan si Brix kaso baka mag lalo silang ma intriga kung bakit ko hinahanap yung tao, kaya hinayaan ko na lang. Pero sa totoo lang gustong gusto ko siyang hanapin kasi na gi guilty ako sa nangyari kagabi. Habang nag mumuni muni ako sa may dalampasigan lumapit sa akin si Sister Reg. Sabihin mo ang totoo? Anong nangyari sa inyo kagabi? Nakita ko kayong dalawa sa pang pang, hmmm.,,ano ba talaga? Usisa ni Sister Reg. Nagulat ako sa sinabi niya. Wow grabe ka Sister Reg hindi lang mataas ang gaydar mo pati pamboboso mataas din, stalker ba kita o kaibigan? Hahahah, pero may sinabi siya sa akin,
umamin siya sa akin kagabi na matagal na niya akong gusto at matagal na niyang alam na beki ako, kaso nahihiya siya kasi akala niya jowa ko si Jeff, sagot ko. Hahaha si Jeff pinagkamalan niyang jowa mo? Hahahaha, pero maiiba tayo, O ano diba sakto ako? Hindi lang gaydar ang mataas sa akin, marunong din ako bumasa ng mga tao kumbaga mataas ang psychic power ko, so anong balak mo? O anong balak niyo? Sagot ni Sister Reg. Sa ngayon Sister Reg hindi ko alam naguguluhan ako, kasi na shock ako sa sinabi niya kagabi, at natatakot din ako, hindi ko pa naranasan ang makipag relasyon sa kapwa lalaki,sagot ko. Patuloy kami sa pag uusap hanggang sa dumating si Brix sa grupo at lumapit sa amin ni Sister Reg, pagdati niya umalis si Sister Reg para daw makapag usap kami.