Krimen, dala ng kahirapan.

78 0 0
                                    

Tapos na ang aming pag-eensayo para sa aming ipapakitang kanta bukas sa isa naming subject. Sa loob kami ng paaralan noon nung nag-ensayo kaya sa aking pakiramdam, safe kami. Palabas na kaming lahat at nang natira na lamang kami ni bryan sa tapat ng simbahan. Maliit na lalaki, may peklat sa kaliwang ibaba ng mata, at mukhang mabait ang isang lalaking lumapit sa amin. Nagtanong siya kung saan yung address na nakasulat sa papel na iyon matatagpuan. Ang sagot naming ay hindi naming alam. Pagkatapos na pagkatapos na pangyayaring iyon, isang matangkad na lalaki, kalbo, di gaanong kasingkitan ang mata at medyo matandang lalaki naman ang sumunod na tumayo sa amin.

Pinagtanungan ito ng lalaking nagtatanong sa amin. Sumagot naman agad-agad ito na alam nya ang lugar na iyon at kung saan matatagpuan. Sinabi sa amin na samahan daw naming sila para may katulong sila. Kami naman itong naawa at sinabi naming gusto naming silang tulungan pero wala na kaming pera para pamasahe papunta sa lugar na iyon, sinabi naman nilang ililibre na lang kami ng pamasahe. Kinabahan ako bigla nang nakasakay na kami sa jeep. Kumuha sila ng iba’t ibang impormasyon tungkol sa amin.

Nang makarating na kami sa lugar na iyon, iniwan kami nang kalbong lalaki sa lalaking maliit. Sabi ng lalaking maliit na iyon ay kakausapin nun yung boss ng may-ari ng pagawaan ng truck, (ang sabi kasi sa amin ay nasiraan sila ng truck). Nang bumalik na ang lalaking kalbo, ang sabi sa amin ay hati na lang daw kami sa perang sosobra. Pumayag na lang kami. Basta daw maghintay kami sa simbahan kung saan kami nagkita. Hintayin daw namin ang kulay dilaw na truck doon at ibigay daw naming ang perng nasa pouch na ibibigay nila sa amin. Binigay nila sa amin iyon at hindi naming ito binuksan dahil sa kapal at dami ng pera sa pagkakaalam namin. Naglakad-lakad kami at sinabi sa amin na kapalit ng perang iiwan muna ng sandal ay dapat daw magbigay kami ng kahit anong bagay na mahalaga sa amin. Binigay ko ang cellphone ko at ginto kong kwintas. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Nang nasa simbahan na kami ay nakita naming peke pala ang lahat ng perang iyon.

HINDI MAWAWALA ANG KAHIRAPAN, MABABAWASAN LAMANG.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon