Walang Pagbabago.

128 0 0
                                    

            Naikwento na rin nya sa akin na..

            Ang Valenzuela City malaki ng pinagbago matapos na maging Mayor natin si Gatchalian. Mahusay talagang magpatakbo si Mayor. Gumanda ang Valenzuela, maraming proyekto na rin ang napaayos.

Pagkatapos ang ibang mga kababayan naman natin dioto sa Valenzuela sinisisi pa si Mayor kung bakit ang iba’y mahirap pa rin hanggang sa ngayon. Hindi naman sa mga nakaupo ang batayan nang pag-unlad ng sarili eh, kundi nasa sarili mismo. ‘yung ibang karatig bayan, pepwede na rin. Umuunlad at gumaganda rin naman kahit papaano. Mahusay kasi si mayor magpatakbo ng mga negosyo.

            Ang masama nga lang, ang iniisip ng mga mamamayan natin dito, hindi mahusay si Mayor kasi nga gaya ng nabanggit ko na ang mahihirap ay mahihirap pa rin. Bakit hindi sila kumilos upang umangat naman sila? Bakit ang ibang mga malalaki ang katawan ay namamalimos pa sa gilid ng kalsada upang magkaroon lang ng makakain?

            Nang kanya itong kinekwento sa akin. May pagkalungkot sa aking mukha dahil ilang lingo na lang ay lilisanin na naming ang lungsod ng Valenzuela kung saan ako lumaki. Lilipat na kasi kami sa Caloocan City. Kailangang mag.adjust na naman sa kultura doon.

            Sa monumento bumaba ang matandang kausap ko nakina.

            Malapit na rin akong bumaba.

Nasa tapat na ako ng LRT station ng Monumento. Iniinspeksyon kaming mga taong patungo sa istasyon para sa kasiguraduhan ng ikabubuti ng lahat. Mga Pilipino talaga na gwardya tamad. May dala-dala akong maliit na patalim noon pero di naman nila nakita. Nadala ko yoon patungo pa sa aming paaralan. Nakita ko na ang lahat ng bumubili ng magnetic ticket ay nakapila ng maayos. Napapaisip ako bakit kaya kailangan pang pumila? Nang nakabili na ako at nakapasok sa istasyon, sakto parating na ang tren. Madaming tao, siksikan na kami sa loob ng tren na aming sinasakyan. Ang aircon na dala ng tren ay parang balewala na din dahil sa dami ng taong nakasakay doon. Ni-hindi na maramdaman ang lamig.

            Naranasan mo na bang sumakay sa LRT o kahit sa anong transportasyon na siksikan na halos di ka na makahinga?

            Naranasan mo na bang makahalik ng braso ng iba,masikmuraan habang may bumababa dahil sa naipit ang dala-dala nitong bag,  humabol sa pagkakasara ng pintuan ng LRT?

            Naranasan mo na din bang  tumayo ng halos kalahating oras dahil sa punong-puno ang sakay ng tren?

Sabi nga ni PNoy,

            AKO RIN.

HINDI MAWAWALA ANG KAHIRAPAN, MABABAWASAN LAMANG.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon