Ang Transportasyon.

82 0 0
                                    

Lahat ng iyan ay naranasan ko na din tulad ng iba dahil sa mura lang ang pasahe at mabilis pang pangtransportasyon patungo sa paaralan o kaya sa trabaho. Malaking tulong ito sa mga tulad ko. Kasi isa’t kalahating oras lang ang biyahe. Pero ngayong nagbabalak na taasan ang pasahe sa LRT, baka lumuwag na ang tren o di naman kaya wala ng sumakay. Mga may kaya na lang ang mga sumasakay ng LRT, baka ‘yan ang maging linya pag dating ng panahon.

Kahit hindi na ba komportable sa biyahe ay titiisin na lang ang masikip, at nagkakasakitan sa sasakyang pantranportasyon tulad nito? Nung minsan nga nagulat ako may hinihilang lalaki, nagdudgo ang kanyang bibig. Pero di nya alintana ang sakit dulot ng sugat, ang alam lang nya ay ang makaganti sa taong gumawa noon sa kanya. Sa dulo ng istasyon ay naaninag ko ang isang lalaking hawak-hawak ng gwardya. Malamang siya ang dahilan kung bakit nagdudugo ang bibig ng lalaki kanina.

Hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari dahil sa umandaar na ng tren na aking sinasakyan. Tulad ng nakita ko na iyon, may mga tao pang nag-aaway dahil sa hindi sinasadyang paniniko, pag-apak sa paa, at kung ano pang nakakasakit. Makakasalamuha mo talaga ang iba’t ibang klase ng tao sa pampublikong lugar. Sa itsura pa lang malalaman o makikilala mo na kung mayaman ba o mahirap, kung estudyante ba o nagtatrabaho.

 Ang isang matanda, may dala-dalang isang karton. Alam kong mabigat ito dahil sa itsura ng pagbubuhat nya dito. Mapaghahalataang di gaanong mataas ang antas ng matanda na iyon sa lipunan dahil sa suot nito. Lumingon ako sa aking kaliwa at nakita ko naman ang isang babaeng halos wala ka ng maipintas dahil sa kagandahan ng dalagang iyon.

Kahit pa sinong lalaki mapapatitig sa taglay na kagandahan nya. Sa tingin ko, anak sya ng mayaman. Halata naman sa suot na damit at bitbit na bag, mga branded at mamahalin. Pababa na ako ng tren nang aking napansin ang lalaking may salamin. Sa unang tingin parang high school student sya dahil sa dami ng bitbit na libro.habang naglalakad ako nakita ko siya na parehas kami ng pupuntahan. At di nga ko nagkamali, sa PUP rin siya nag-aaral. Nagtanong ako sa sarili ko, bakit kaya kahit itong mukhang mayaman na ito  ay naisipan pang doon pumasok? Siguro nga dahil kahit mga mayaman ramdam na rin ang kahirapan ng buhay ditto sa pilipinas. Mas pinili pang mag-aral sa isang unibersidad na kahit hindi aircon, mga bulok na upuan, at mga bubong nabutas-butas, may maipagmamalaki namang kagalingan sa pag-tuturo ng mga professors.

HINDI MAWAWALA ANG KAHIRAPAN, MABABAWASAN LAMANG.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon