Kanino dapat isisi?

95 0 0
                                    

Nagsisi kami kung bakit namin pinagkatiwalaan ang mga taong iyon. Kung bakit pa kami nagpauto at hindi naisip n kami pala ay niloloko na ng mga iyon. Wala kaming nagawa kundi ang umiyak ng umiyak at ng umiyak. Ang natutunan lamang naming ng araw na ding iyon ay h’wag magtitiwala kahit na kanino na hindi kakilala. Bakit ba may mga taong ginagawa pang manloko ng mga taong iyon? Ang sagot, kahirapan. Hindi naman nila gustong gawin ang mga masasamang bagay na iyon eh, dahil lang talaga kailangan lang nila ng pera maaaring sa pamilya ilalaan, o sa iba pang mga bagay na gustohin nila. Ginagamit nila ang malalaki nilng katawan para manakot ng ibng tao at manakit para lang magnakaw o ano pa man. Hindi sila nag-iisip. Maling paggagamit ang ginagawa nila sa kanilang malalaking katawan. Dapat ginagamit na lang nila ito sa mabuting paraan o kaya ay maghanap sila ng trabaho.

Ang trabaho mahirap mahanap, kung hindi ka talaga magtiya-tiyagang hanapin ang mga kompanya kung saan ka nararapat ay hindi mo matatamasa ang maginhawang buhay. Walang mangyayari kung hindi kikilos ang iyong katawan.

“Parang naghihintay ka lang manalo sa lotto ngunit hindi ka naman tumataya.”

            Ang Pilipinas, isang bansang mahirap. Madaming nagsasabi na hindi na makakaahon ang ating bansa sa kahirapan na ating tinatamasa sa ngayon. Natapos ang termino ni dating Pangulong Arroyo, maraming nasiyahan, may mga nalungkot. Nasiyahan dahil sinasabi ng iba na matatapos na din ang pangungurakot ng pangulo ng bansa, at mapapalitan na ng anak ng Ina ng Demokrasya, si PNoy, Pangulong NoyNoy Aquino. Sa unang isandaang araw niya sa panunungkulan nya sa ating bansa, sinabi ng mga political experts na umaangat an gating bansa kahit papaano. Wala naman ‘yan kung sino pa ang nakaupo sa trono bilang mamumuno ng ating bansa, nasa bawat isa ang sikreto ng pag-unlad ng lahat. Magsisimula ang lahat sa bawat isa sa atin. Ihalintulad na lang natin ito sa pagbubuo ng negosyo. Magsisimula ka lang sa maliit, kung malaki ang kinikita, magdadagdag ka ng ilang produkto upang lumaki ang iyong kita at hanggang sa lumaki at umunlad ang iyong negosyo. Sa sarili magsisimula ang pag-unlad, patungo sa baranggay, sa lungsod, sa  rehiyon, sa Luzon, visayas, o Mindanao man, at hanggang sa buong bansa.

            May masasama bang tao sa mundo? Sa tingin ko wala. Nagiging masama lang sila dahil sa Pera at upang mabuhay sa ibabaw. Ginagawa nilang magnakaw o kahit ano pang ‘di magandang Gawain para lang makabili ng makakain sa sarili, o kahit sa pamilya.

HINDI MAWAWALA ANG KAHIRAPAN, MABABAWASAN LAMANG.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon