Bangin ng Puso

963 9 0
                                    

Ang tulang ito ay para sa mga taong minsan ng pinaglaruan at pinahulog ng walang dahilan.

Mahal, alam mo salamat
Salamat sa sakit na iyong dinulot
Dahil dun natuto akong lumaban
At magsumikap umakyat sa bangin na aking pinaghulugan

Bangin na akala ko nandun ka para sakin
Nandun sa ibaba para kapag nahulog ako kaya mong saluhin
Pero bakit nagulat ako nung akoy nandun na
Iba ang aking nakita

Nakita kitang iba ang kasama 
Iba ang taong pinapasaya
Iba ang inaalagan
At iba ang pinapahalagahan

Akala ko ako na
Ako na yung taong nais mong makasama
Ngunit hindi pala
Ako pala yung taong pinahulog sayo kahit di tayo para sa isat isa

Nagsisi na ako
Bakit bigla akong nahulog sayo
Di ka naman nagpasabi
Na di ako ang iyong pipiliin hanggang huli

Pasensya na mahal ko
Nagkamali ako ng intindi sayo
Akala ko kase mahal mo ako
Yun pala nais mo lang ipakita na di talaga ako para sayo

****
A/N: sorry maikli bawi na lang si ako HAHAHA

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon