Nakaraan

783 13 2
                                    

Mahirap balikan
Ang mga nakaraan
Lalo na kung di kayo ang nagkatuluyan
Dahil minsan masakit balikan ang nakaraang nagdulot ng kalungkutan

Ang masasayang alaala ay magandang balikan
Pero paano kung ang mga alaala ay di kagandahan
Babaliwalain nga ba ang nakaraan
O siguro mas maganda na ito'y kalimutan

Mga nakaraang sumira ng pag kakaibigan
Mga nakaraang sumira ng pinagsamahan
Oo kaibigan ko siya
Pero bakit kase nahulog ako sa kanya

Ewan ko ba pero minahal ko siya
Kase kung tinamaan ka, tinamaan ka wala kang magagawa
Pasensya na sige sa susunod iilag na ko
Para kung sakaling patamaan ako ni kupido nakaiwas na ko

Pero siguro ngayon kailangan ko ng palayain ang nakaraan
Umiwas sa kalungkutan
Simulan ang kasiyahan
Sa pagpapalaya sa masaklap na nakaraan

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon