Dating Tayo

941 9 0
                                    

Dito nagtapos
Kaya ngayon mahirap ng magayos
Bigla kang nawala na parang isang tubig ng umaagos
Kaya pati yung sakit tagos na tagos

Mahirap kang kalimutan
Lalo ang ating pinagsamahan
Pero kung tatanungin ako
Mas pipiliin kong hindi na ibalik ang dating tayo

Oo masaya akong nakasama ka
Pero sa tingin mo sapat na yun para sabihin saking patawad sa iyong mga nagawa
Tama ka naman napapasaya napapakilig mo ako
Pero yung panlolokong ginawa mo

Yung panlolokong yun , yun yung bagay na dahilan kung bakit ako nasira
Kung bakit nasira pati tayong dalawa
Babae rin naman ako kaya nasasaktan ako
Nasasaktan ako pero kasalanan ko rin naman ang shunga ko

Antagal na natin nagiwasan
Pero bakit bigla mo kong pinakiusapan
Pinakiusapan kung pwedeng ibalik yung ikaw ako
Kung pwedeng ibalik yung dating tayo

Hindi naman ako siraulo para magpaloko ulit sayo
Ayoko ng umiyak sa parehong tao
Masakit kase higit pa da inaakala mo
Pero sana naman palayain mo na ako

Palayain mo na ko
Kase kahit anong hiling mo na bumalik ang ikaw ako
Hindi na ko papayag sa gusto mo
Kase kahit anong gawin mo hinding hindi na ko magpapaloko sa isang tulad mo
At hinding hindi na rin babalik ang dating tayo.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon