Warning: bawal mafall

1.4K 15 0
                                    

Warning bawal mafall

Teka paano ko ba ito sisimulan
Sisimulan ko ba ito sa salitang taguan
O baka naman sa salitang wala lang
Ayyy hindi pala eto pala ay tungkol sa storyang pinaglaruan ka lang

Para kayong naglalaro malapit sa malalim na balon
Kayoy masayang naghahabulan
Kaso ang unang mataya sa inyong paghahabulan
Siya ang masasaktan

Pinakilig ka niya
Pinangiti ka niya
Nagsabi ng matatamis na salita
Hinawakan ang inyong mga kamay at sinabing mahalaga ka

Di ba kinilig ka ng sobra
Eh ikaw pala tong shunga
Mamaya sa sobrang asa mo sa kanya
Masaktan ka rin ng sobra sobra

Pero nagulat ka isang araw akala mo yun na yun
Masaya na kayu nun
Pero di pala nagulat ka ng may pinakilala siya sayong iba
Isang magandang dalaga

Maiinis ka bakit ganon ang nangyari sa inyo
Akala mo masaya na kayo
Pero badtrip di pala totoo
Laro lang pala talaga ang ginawa niyo

Sana nung una pa lang sinabi niya na
Para nakapaghanda ka
Pero hindi eh kaya ayan mapapasabi ka na lang sana all
Sana kase nagwarning ka paalalang nagsasabi sayo na warning bawal mafall...

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon