Chapter 1 - The first time he messaged me.

147 6 13
                                    

A/N: 

Ang tagal ko ng hindi nakapag wattpaaaaad. Nakakamiss sobra, lalo na yung mga naging friends ko dito sana po kilala niyo pa ako ^_^

At dahil feel ko magsulat ayun, di ko a pinaglagpas ang oportunidad dahil minsan lang naman magkaroon ng free time :)

Sana po ay basahin niyo ito :D

--------------

 March 13, 20xx

Kapag ako'y nagfe-facbook, naka offline ito para walang masyadong makikipag chat. Gusto ko kasi kapag ako'y nagsusurf, walang distorbo haha. Except siyempre kung mga kaibigan ko ang nakipagchat sa akin okay lang. 

Galing ako sa school nang may biglang nagchat sa akin pagka-open ko ng aking facebook. 

Kilala ko siya, yung nagmessage sa akin, Siya si Stefan ang kaklase ko mula second year highschool  dito sa Phases International Academy.

"Ehrinne usap nga tayo."

Sa totoo lang, kinabahan ako kasi kala ko kung anong mali ang nagawa ko. Kaya agad agad akong nagreply.

"Huh? Bakit?"

"Wala lang. Tapos mo na ba homework mo sa Filipino?"

Lakas din ng trip nito noh? 

"Aling assignment?" O.o Wala akong maalalang assignment na ibinigay kanina.

"Yung nasa book ngay." Ahy shems, buti na lang pinaalala niya.

"Ahy oonga pala. Thank you."

"Your welcome" sabi naman niya.

Ang dami kong nalaman tungkol sa kanya at ang dami niya ring nalaman tungkol sa akin.

Nagsimula lahat ng tanungin niya ako tungkol sa letter na ibinigay ko sa kanya nung retreat namin. Lahat kasi ng kaklase ko nun binigyan ko ng letter kahit na maikli lamang ang nilalaman nitong mensahe.

"Ano ba gusto mong malaman tungkol sa akin? Para maging close tayo." Sabi niya

"Ikaw kung ano gusto mong malaman ko :) "

"Ako may tanong." 

"Ano yun?" Na-curious naman ako.

"Lol, pero wag na." -_-

"Ano nga?" 

"Uhhh.. may gusto ka ba sa class natin?" Hala! Haha.

"Huh, bakit? Ikaw meron?"

"Bakit ikaw gusto mo malaman?" 

"Ha? Masama ba? Diba friends tayo? xD Eh bakit ikaw? Bakit gusto mo malaman sa akin?"

"Wala lang, just curious."

"Akin si TOP ng Bigbang. Hahaha." 

"Ako, yung sarili ko. Haha. Siiiiicreeeeet."

"Ako din secret."

"Kala ko ba si TOP? O.o " Tanong niya.

"Ahy oo nga noh. Kilala mo si TOP? O.o "

"Si BOTTOM kilala ko :D "  Hahaha laughtrip XD

Dahil sa aliw, di ko napansin na tumagal pala ang usapan namin ng ilang oras.

Nalaman kong sa pareho kaming papasukan ng university pagkatapos namin sa high school.

Pareho din kaming di nagshe-share sa aming mga magulang dahil nasanay kaming ganun. Yung kami na mismo naghahandle ng mga problema namin.

Nalaman ko rin na every 2 years lang umuuwi ang dad niya mula sa abroad, ngunit ito'y retired na, ganun pa man ay di niya parin ito close.

Pareho din kaming nakikinig ng sad song kapag malungkot o kapag may dinadamdam.

Pareho din kaming panganay, tatlo kaming magkakapatid at ako lamang ang nagiisang babae at sila naman ay apat na magkakapatid.

Nalaman ko rin na may heart disease siya. Kaya raw di siya ganoon katangkad. At marami pa akong nalaman.

Di ko pa sigurado kung magdodoctor ako sa future, pero di dahil sa gustong gusto ko ito. Pangarap kasi ng papa ko na maging isang doctor o kaya naman ay lawyer ng siya'y maliit pa lamang.

Ngunit nung mga panahong iyon ay kapos sila sa pera kaya naman ay tumigil na siya sa pag-aaral ng siya'y makatapos ng high school.

At ang napili kong kurso ay Pharmacy bilang pre-med course ko dahil wala akong interes sa law. Hahaha hirap yun noh lalo na kung di mo gusto.

"Uyy ano yung mga binulong sayo kanina?" Tanong ko sa kanya dahil napansin ko kanina sa school namin na may binubulong sa kanya yung mga kaklase ko.

"HAHA, ano kasi. Sabi nila bakit daw ang tagal ko kumilos, dapat daw last year pa kita niligawan." 

O.O OMO

Ehrinne's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon