HI!! ATE CANDY!!! :D I miss you.
------------------------------
Ako, sobrang natatakot akong magcollege. Di ko sure kung bakit.
Pero siguro dahil maghihiwalay na kami ng mga nakasanayan kong mga taong nasa paligid ko. Mga bestfriends ko, friends, teachers.
Yung feeling na kailangan mo ng umalis sa comfort zone mo. Nakakatakot kasi di ka sanay.
Mula nursery to kinder 2 nasa iisa akong paaralan. Grade 1 lumipat ako, pero okay naman. Di ko nga lang maalala kung sino mga friends ko dun. ^_^v
Grade 2 lumipat kami ng titirahan kaya kailangan ko ring lumipat ng school at okay lang din naman. Natatandaan ko pa mga mukha nung iba kong kaklase pero di ko na matandaan yung mga pangaan nila. Ewan ko lang ngayon baka nagiba na mga itsura nila.
Grade 3 hanggang sa mag 4th year highschool ako iisa lang ang naging school ko. Kaya naman talagang magiging mahirap talaga sa akin, lalo na sa iba na mula nursery eh dito na talaga nagaral sa school namin.
Katulad na lamang nina Celestine, Edwin at Bryan.
Yung feeling na kailangan mong makipagsalamuha sa iba't ibang tao upang magkaroon ng mga bagong kaibigan.
Pano kung di nila ako gusto? :(
Napakahirap kasi kailangan mo na talaga iwan yung mga kaibigan mo, and make new friends. New environment. Grabeng nakakalungkot.
Iniisip ko pano kung, may mga taong maldita doon na aawayin ka, katulad ng mga pinapalabas sa t.v. Yung ipapahiya ka, okaya di ka pansinin. Pano kung may ganoon talaga?
Nakakatakot.
I'm not ready.
I'm not excited.
"Excited ka masyado magcollege." Sabi ko naman sa kanya. Kasi napansin ko pang-ilang beses na niyang dinamay ang college. "Ako okay lang, pero grabe akong malulungkot." :(
"Ayaw ko kasi matapos ang senior year natin kaya pineprepare ko lang sarili ko for college."
"Ahh." Sagot ko na lang.
"Kasi patapos na eh. Pag sa college new friends na naman tapos new teachers na rin."
"For sure ako unang iiyak xD Iyakin ako masyado eh." Hindi ko nga lang pinapakita, minsan pinipigilan ko pa. "Yanga eh. Mahirap pa naman maghanap ng true friends."
"Baka sa graduation iiyak ka."
"Oo." Inaamin ko hahaha.
"Ako, hindi ako makaiyak kapag kasama ko papa ko. Never niya pa akong nakitang umiyak."
"Bakit?"
"Except nung baby." Haha
"Parang feeling ko lagi ngay sayang. Ano na nga tawag dun?"
"Luha? Sayang?" xD
BINABASA MO ANG
Ehrinne's Love Story
Storie d'amoreLagi akong kinikilig sa mga love story ng iba, ako kaya magkaroon na? At kiligin sa sariling istorya? ^_^ Wala ng paligoy - ligoy pa. :D