Kiss ❤ 4

104 2 0
                                    

Kiss You Tonight

  I've been trying to do without you
But I can't give up this fight
Everything will be alright
If I can kiss you tonight
We can make it to tomorrow
If we can find the morning light
Everything will be alright
If I can kiss you tonight  

Published: Dec. 18, 2017 / 6:40PM❤

⚫ - 👒 - ⚫


"Bessy, kumusta ka na dyan? Miss na miss na kita at ang bunganga mo!"

Natawa ako kay Kelsey na medyo bilugan na ang mukha.

"Miss you too, Kels. Miss ko na rin ang payat mong mukha." Biro ko. Nawala tuloy ang kanyang ngiti at napalitan ng simangot.

"I take that back. 'Wag ka nang babalik dito. Ipapaban na kita dito sa Pilipinas!"

Natawa ulit ako dahil namumula na siya ngayon. She really hates being called fat. Well hindi ko naman siya tinawag na ganon pero pinaganda ko lang naman ang tawag. Haha!

I'm here in Italy now.. Two months na rin ang nakalipas since the Cebu Fashion Week. After kasi ng event ay nakatanggap ako ng tawag mula sa isang sikat na magazine dito sa Italya at inaya akong magwork as fashion consultant and contributor sa ifefeature nilang malaking brand ng clothing line na inaccept ko naman kaagad. Like OMF talaga! Graduate kasi ako ng fashion design sa EU and I am also working as a freelance stylist habang nagbloblog. I really didn't expect for such huge opportunity to come kaya hindi ko na pinalampas pa. Lalo pa't nalalapit na ang Milan Fashion Week which will be held here in Italy!

Hindi na rin pala ako ang nagcover 'nung sa Asia's Next Top Model dahil nga sa agaran kong paglipad kaya si Kelsey nalang ang naiwan para doon. Sadly, isa iyon sa kinailangan kong isacrifice to reach for my dreams. Nakakalungkot rin nga kasi naiwan ko si Kelsey sa Philippines eh. I miss her na. 

"Ikaw kasi eh. Kain ka ng kain. Ibreak mo na nga 'yang boyfriend mo." Panay kasi ang labas nila at food trip palagi ang date. Walang kasawaan.

"Che! Inggit ka lang kasi wala kang love life!"

Nawala ang ngiti ko. I know she didn't know anything and didn't mean it badly but..

"Hey, may problema ba?"

Umiling ako at pinilit na ngumiti.

"Just tired from work. Magdamag kasi kami sa set. Summer pa naman dito."

"Ikaw kasi eh. Iniwan mo ako dito! Kainis ka. Pero para naman 'yan sa mas ikagaganda ng career mo kaya naiintindihan ko naman."

"Correction: natin. Career natin. Damay ka rin kaya! Pang-international na ang level ng blog natin noh."

"Hay, true. Pero it's never the same without you, Cassy. Uwi ka na dito, please?"

"Miss na rin kita, Kels. Pero kasi hindi pa ako makakauwi. You know I need to finish this project. I signed a contract, remember?" It was a three month contract and I still have half a month to go. Pagkatapos kasi noong unang feature, they invited me for the next na hindi ko naman tinanggihan. Sayang rin ng experience at exposure eh. Sumikat lalo ang blog namin dahil dito kaya papakawalan ko pa ba?

It Takes One Kiss [One Shots/Short Stories]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon