Prologue

13 1 0
                                    

May isang babae ang lumabas mula sa itim na liwanag.

Ito ay nakasuot ng kasuotang pandigma at marami nang sugat ang makikita tanda ng pakikipag digma.

Ngunit higit Na agaw pansin ang sanggol na nakabalot sa puting tela Na buhat buhat ng babeng nabanggit.

"Mahal Kong anak, patawad dahil tayo'y magkakalayo, patawad dahil malalayo ka sa tunay mong kapamilya, sa tunay mong mundo. Patawarin mo ako at ang iyong ama sa pag aabando iyo ngunit ito ay para sa ika bubuti mo.

    Alam kong hindi mo pA ako naiintindihan sapagka't ika'y musmus pa lamang ngunit gusto kong sayo'y ipabatid Na mahal Na mahal ka namin ng iyong ama, mahal Na mahal ka ng Phoenix.

   Alam Kong marami kang pagdadaanang paghihirap, magpakatatag ka at maging mabuti sa iyong kapwa. Nawa'y lumaki ka nang mabuti ang puso.

     Alam ko rin na maguguluhan ka sa iyong pag katao sapagka't ika'y kakaiba. Hanapin mo kung sino ka at matatagpuan mo ang iyong hinahanap.

   Kung papalarin man kami sa labang ito, ipinapangako Kong babalikan kita rito anak, ngunit Kong hindi, lagi mong tatandaan Na mahal Na mahal kita, ka namin ng iyong ama."

   Hinalikan ng babae ang sanggol habang umaagos ang luha mula sa kaniyang mga mata.

   Inilapag niya ang sanggol sa tapat ng pinto ng isang bahay at kumatok.

   Naalimpungatan ang mag-asawa dahil sa narinig nilang sunod-sunod na katok mula sa kanilang pintuan.

   Dis oras na ng gabi kaya natakot ang mag-asawang buksan ang pintuan. Ngunit ng marinig nila ang iyak ng isang sanggol ay agad nila itong binuksan.

"Diyos kong mahabagin!" bulaslas ng ginang pagkakita sa sanggol at agad itong kinarga upang tumahan.

Luminga linga pa sya upang makita kung sino ang nag-iwan sa sanggol ngunit bigo sya.

"Mahal, ano ka ba. Ibaba mo nga yan. Mamaya eh, tyanak pala yan. Buwan pa naman ngayon ng Nobyembre." Ani ng kaniyang mister.

"Ay nako! Ka tanda-tanda mo na, naniniwala ka pa rin sa mga ganyan?!?! Pumasok na tayo sa loob at bukas ay irereport natin sa barangay kung kanino itong bata." sabi ng ginang at pumasok na sa loob karga ang sanggol umiiyak pa rin.

   Lingid sa kaalaman ng mag asawa, nakamasid sa kanila ang ina ng sanggol. Umiiyak ito ngunit may ngiti sa kaniyang mga labi.

   Lumikha siya ng itim na liwanag at bago siya pumasok roon at binalingan ulit nya ng tingin ang bahay ng mag asawa at nag punas ng kaniyang mga luha.

Wala nang mas sasakit pa sa isang ina
Kundi ang iwan ang kaniyang pinakamamahal na anak.
Ngunit kailangan nya itong gawin para sa ika-bubuti ng kaniyang anak.


Itutuloy...

PHOENIX : The Legendary White Phoenix PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon