Aries' P.O.V
"Hoy! Bumalik ka ditong bata ka! Hindi pa tayo tapos!!!" sigaw ng tiyahin kong pinaglihi sa mega phone.
Hindi ko nalang sya pinansin at nag patuloy lang ako sa pagtakbo patungong paaralan.
Ako ba naman ang sisihin sa pagkabutas nung paborito nyang blouse. Ano ako? Daga?
By the way, sa highway na walang way, ako nga pala si Ariceter (Aries) Giovanni Zoldyck. 17 years old. Nakatira sa tirahan ng aking BUTIHING tita. Namatay na kasi ang aking ina't ama dahil sa plane crash.
Sina tita na lang ang nag iisa kong kamag-anak dahil patay na rin sina lolo't lola. Dalawa lang ang anak nina lolo't lola ko sa mother side, nag-iisang anak lamang si Papa at patay Na rin ang lolo't lola ko sa father side. Kaya wala akong choice kundi sa maldita at bungangerang tiyahin ako tumira.
Sa pamilya nina tita, si kuya Jerome lamang ang masasabi kong 'mabait'. Maldita rin kasi ang dalawang clown kong pinsang babae. Ih! Nang gigigil si ako sa mga yan eh!
Pagtapak ko sa school ground, nariyan na naman ang mga mapanuring mata ng estudyante rito sa pribadong paaralan ng Stuart.
Nag lalakad ako sa hallway nang may mga adik na humarang sa akin.
"Kung siniswerte ka nga naman..." panimula nung dwendeng tao sa kanan.
"Kawawa ka naman....wala na ang kuya Jerome mo para ipagtanggol ka." sabi nung mukang bangag na asong galis.
Napayuko na lamang ako para mag pigil ng tawa dahil sa mga itsura nila.
Hinatak nung kamuka ni bangkay ang buhok ko upang umangat ang aking ulo na naka yuko.
Ngumisi sya na parang si budoy.
"Natatakot ka?? Dapa--"
"Bibitawan mo sya o sisipain kita palabas nitong campus."
Bigla naman akong nabitawan nung lalaking kamuka ni bangkay at tumingin sa kung sino ang nagsalita habang nanginginig sa takot.
"B-b-b-boss! He.he. *gulp* ano.... Inaayus ko lang ang buhok nya a-aalis na rin kami." sabi ulit nung look-a-like ni bangkay at kumaripas na ng takbo paalis kasama ang iba.
"Salamat utol." sabi ko.
"Ano ka ba naman, hindi ka dapat nag papabully sa mga yun. Para saan pa ang pagturo namin sa'yo ni kuya Jerome ng Wu-shu at Judo kung hindi mo gagamitin laban sa mga lampang yun?!" stress na pangaral nya sa akin.
"Sanayan lang yan." Nasabi ko na lang.
"Hay, Ewan ko sa'yo. Pag may nangyari sa iyong masama, siguradong pepektusan ako nun ni kuya Jerome." reklamo nya.
"Hahaha 'di yan. Tiwala lang. Tara na nga at baka malate na tayo." aya ko sa kanya at nagsimula nang mag lakad.
"Pasaway." natatawang sabi nya at inakbayan ako habang nag lalakad.
Sya nga pala si Cloude Dominic Cortez, ang aking nag-iisa at bukod tanging best friend mula pa nung pagkabata. Nag-iisa lamang sya at wala nang iba. Sino ba naman ang gustong makipag kaibigan sa isang NERD di ba?
Yezzz, isa akong NERD. May makapal na glasses (pero walang grado), natatakluban halos ng buhok ang aking mga mata. Sungki-sungking mga ngipin, at pekasin ang muka. At isa pa, isa akong scholar ng pribadong paaralan na ito at alam nilang hindi mayaman ang mga magulang ko kaya nila ako binubuly at diring-diri sa akin.
Cliché ba? Yan ang buhay eh.
Okay balik tayo sa main topic, kahit gustong gusto akong bulihin ng mga tao dito, hindi nila magawa dahil lagi akong ipinagtatanggol nina kuya Jerome at Dom-Dom.
BINABASA MO ANG
PHOENIX : The Legendary White Phoenix Princess
Viễn tưởng"Welcome to the world that's full of MAGIC!!!" I hope you enjoy it.... NOTE: Don't Plagiarized.