Chapter 5: AMA LAYER.

2 1 0
                                    

Aries' P.O.V

Lunes na ngayon kaya may pasok na.

Sabi ni Keishin, dalawang linggo  na ang nakararaan simula nung unang pasukan dito.

Kinakabahan ako, ano kayang mangyayari mamaya?

Alam kong nasa ibang mundo ako pero tao din sila. Kung sa 'mundo ng mga mortal' pa nga lang ay grabi na ang mga pangbubuly na ang naranasan ko, dito pa kaya na may mga kapangyarihan?

Wala nang magtatanggol sa yo dito Aries. Magpakatatag ka. Wag magtitiwala sa kahit na sino. Wag silang hayaang malaman ang sekreto mo. Wag na wag.

Tama.

Nakasuot ako ng sleeve na kulay puti at coat na kulay maroon na may logo ng paaralan sa kaliwang bahagi ng dibdib. Pati ang pantalon at necktie ay kulay maroon.. Komportable ako sa suot ko dahil hindi ito fit sa katawan.

Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng aking kwarto.

Naabutan ko silang kumakain ng agahan at kapwa naka uniporme na.

Ang uniporme ng mga babae ay katulad lang din sa mga lalaki. Ang pinagkaiba lang ay nakapalda sila. Natural.

Kulay maroon din ang kanilang palda na above the knee.

Nakalong sock na black si Aira samantalang si Atom ay naka-black vanz na sapatos at medyas na itim.

"Aries-san, Kain ka na." masiglang yaya sa akin ni Keishin ngunit umiling ako.

"Salamat pero hindi ako kumakain sa umaga." rason ko.

"Huh? Hindi pwede yan! San ka kukuha ng lakas mo para sa maghapon? at saka, alam mi ba na 'breakfast is the most important meal'?" sabi ni Keishin sabay pout.

"Hinde, tsaka okay lang ako. Kaya ko nang hindi kumain ng tatlong araw eh." paliwanag ko.

"Tss. We insist. Eat. Look at you. You're so thin." sabi ni Jun at hinila ako pa upo sa bakanteng upuan.

Sila na mismo ang naglagay ng pagkain sa aking plato.

°o°

Hala! Ang dami na!

"T-tama na. O-okay na ito hehe." pigil ko kay Keishin nang akmang lalagyan pa nya ng ulam ang ga-bundok na pagkain sa plato ko.

Sinimulan ko na ang pagkain.

"Siguradong magugustuhan mo dito, Aries-san. Mamaya, itutour kita. Ipapakita ko sayo ang mga Lioness at mga cute na dogwarts!" masayang bangit ni Keishin.

Ngumiti lamang ako ng tipid.

Hindi ko kasi gaanong naintindihan yung sinabi nya. Ang fucos ko lang ay kung paano mauubos itong sinandok nila sa akin.

***

"Kindly introduce yourself in front, Mr." sabi ng aming guro.

Pumunta naman ako sa unahan at nagpakilala.

"M-magandang u-umaga sa inyo. Ako si Ariester Zoldyck. Nice to meet you."
pakilala ko sabay yukod.

"Thank you Mr. Zoldyck. You may now have your seat." sabi ni ma'am.

Habang naglalakad ako papunta sa aking upuan-which is sa pinaka likuran na katabi ng bintana, ay hindi nakaligtas sa aking mga mata ang pang iismid sa akin ng iilan at pandidiri.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PHOENIX : The Legendary White Phoenix PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon