Chapter 13

25.2K 649 35
                                    

Almira's POV.

Wooh!!! Today is the day!!!

Ano ang meron???

First mission ever of my entire life lang naman! Yeah!! Adventure na naman.

Kung hindi niyo kasi naitatanong eh may pagkadventurist ako.

"Bessy!! Gising na!" Tawag sa akin ni Laira.

Oo, yun na yung tawagan namin.

Kahapon kasi nagdecide kami ng mga tawagan namin although I doubt na mapapanindigan namin yun AHHAHA.

Flashback

Nandito kami ngayon sa garden, kaming mga girls lang ha.

Dumiretsho na kasi agad sa office ni HM yung mga boys para tanongin si HM Kryssa tungkol sa mission namin bukas.

Na postpone din yung leveling dahil sa mga paepal na dark clan.

Hindi din naman ako na saktan sa laban kaya di na ako pumuntang clinic, gumamit lang ng energizer spell si Laira para mabalik yung energy na nawala sa akin.

"Gumawa kaya tayo ng tawagan?" Biglang suggest ni Icy.

"Wow! For once guinamit mo din ang isip mo." Asar ni Sandra sa kaniya.

"Bwiset ka!"Sabi ni Icy.

Readers sorry sa mouth ni Icy ha, ang dumi eh.

"Mahiya ka nga sa readers Icy!" Bulyaw sa kaniya ni Jashna.

"Huh?? Sinong readers?" Tanong ni Icy.

"Tch. Never mind." Sabi naman ni Jashna at umirap.

'Seriously ang weird talaga ng mga kaibigan ko, lalo na si Jashna! Buti di pa ako nahawaan at lastly...Ang ganda ganda ko parin!!!' Basa ko sa isip ni Icy.

Crystal Magical Academy : The Long lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon