Chapter 19

20.6K 530 17
                                    

Joshua's POV.

Bigla namang umilaw ng blue ang mark ko kaya agad akong nakaramdam ng pagaalala at galit na din. Minsan lang magalit si Yazra dahil para siyang bata na cute, hindi yung lagi naiinis ah, yung masiyahin.

Alala ko noon ay nagagalit lang siya kapag napuno na ang pasesnya niya o kaya naman ay kapag may nanakit sa mga mahal niyang tao.

At dahil nga umilaw pa talaga ang marka ko isa lang ang ibig sabihin nito, galit na galit si Yazra!

Hindi na ako nagtaka o nagulat ng biglang nagdilim ang paligid, nawawalan na naman siya ng kontrol sa kapangyarihan niya. 

Nakita ko naman na umiilaw ng pula ang isang iskinita kaya tumakbo ako doon.

Nagulat ako ng makita ko si Yazra na pula ang aura niya at masama ang tingin sa lalaki pero ang mas ikinagulat ko ay ng makita ko si Alysia sa lapag at walang malay. the heck? Anong ngyari dito?!

Nilapitan ko agad si Alysia at nilagay sa isang fire protective barrier, mahirap na at baka madawit siya dito.

Hinarap ko ang lalaki na ngayon ay nanginginig sa takot, hindi niya alam kung sino ang kinalaban niya.

Umapoy naman ako sa galit ng dahil sa ginawa niya kay Alysia, siya lang naman kasi ang maaring salarin sa ngyari sa anak ko!

"Sinong nagutos sayo?!!!"Sigaw ni Yazra, galit na galit ito.

"N-Napag u-utusan l-lang p-po a-ako," nanginginig na sabi noong lalaki.

"Sino nga sabi eh!!" This time ako na ang nagtanong, aba't ka badtrip e!

"Y-Yung n-naka b-black n-na cloak n-na m-may m-masamang a-aura. N-Na p-pilitan l-lang a-ako d-dahil k-kapag d-di k-ko g-ginawa a-ang u-utos n-niya a-ay p-patayin n-niya a-ang p-pamilya k-ko,"sabi noong lalaki.

Sinuntok ko naman siya at sinampal siya ni Yazra. Alam kong wala siyang choice pero isa lang naman ang naintindihan ko sa sinabi niya, yun ay siya talaga ang nanakit sa anak ko.

"Para yan sa pananakit mo sa anak namin!" Sabi ni Yazra at nilagyan niya ng Forgetting dust yung lalaki para di niya na ito maalala, ginamot niya din ito dahil napalakas ang suntok ko at sampal niya dito.

Naglaho din ng parang bula si Yazra pero may sinabi muna siyang mga kataga. Napahinga na lang ako ng malalim.

"Dalhin mo kay Laira si Alysia at hintayin niyo na lang ako sa inn," sabi niya, ito minsan ang problema kay Yazra. Lagi niya na lang inaako lahat ng gulo at kapahamakan, hindi niya man lang kami hinahayaan na tulungan siya. Ganoon ba talaga kapag itinakda?

Inalis ko ang barrier at binuhat si Alysia papunta ng inn namin.

Pagpasok ko sa kwarto ng girls ay saktong nandoon si Ate at si Laira, nagaalala ang mga ito. Napatingin ako kay Laira at nangunot ang noo ko ng may makitang mali sa mga mata niya, hindi ko na lang muna yun inintindi.

"O My God! Anong ngyari kay Alysia?!!"Gulat na sabi ni ate, maging si Laira ay nagaalalang lumapit kay Alysia.

Hindi naman siguro...

"Laira pakigamot na lang tapos pagnagising na siya isama niyo siya sa baba at kakain tayo. Ate papalitan na lang din siya ng damit," sabi ko at tumungo naman silang dalawa. Kailangan kong kumalma, sa sobrang galit ko siguro ay pati kaibigan namin pinagdududahan ko.

Pumunta ako sa forest.

Umupo ako sa magandang spot at nagsimulang maglevitate.

Gumawa din ako ng invisible barrier para di ako makikita ng mga normal na immortal.

Crystal Magical Academy : The Long lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon