First and Last....

16.9K 87 18
                                    


Title: I Love You Since 1892
-----NARRATIVE REPORT-----
Author: UndeniablyGorgeous
Main Character:
         Carmela Isabella
         Carmelita Montecarlos
         Juanito Alfonso
         Leandro Flores
Sub Character:
         Siblings (Maria, Josefina)
                          (Emily, Jenny)
          Madame Olivia (Angel)
          Lola Carmina
          Heneral Flores
          Helena
          Don Alejandro
          Donya Soledad
          Donya Juanita
          Don Mariano
          Eduardo
          Theresita

*PLOT*
     Magkaiba man ang kanilang panahon, sila parin ay pinagtatapo ng tadhana na kahit malayo ang kanilang agwat...

  Nagmula si Carmela sa kasalukuyan, sa kaarawan ng kanyang Lola Carmina ay nagpunta sila sa mansyon ng mga Montecarlos. Noong unang beses pa lamang makita ni Lola Carmina si Carmela ay labis niya itong tinitigan na halos tumagal ng 10 segundo at ng matauhan si Lola ay pinapasok na niya sa loob ng mansyon. Nang kumakain na sila ay biglang nasabi ni Lola Carmina na kailangang pagaralan ni Carmela ang specialty na Kaldereta ala Montecarlos at ng sumapit na ang kinagabihan ay hindi makatulog si Carmela dahil sa takot ng biglang may kumatok sa silid kaya agad-agad itong nagtalukbong sa kumot niya. Nahimasmasan lamang ito ng mapagtanto niya kung kaninong boses ang nagsalita kaya agad din niyang inalis ang kumot sa buong katawan niya. Nakiusap naman ang matanda na sumunod sakanya si Carmela at siya ring ginawa ng binibini at ng makapunta sila sa secret room ay namangha si Carmela dahil sa dami ng librong nakikita niya. Biglang nabaling ang tingin niya dahil biglang naging dalawa ang shelter at nakita niya roon na may sikretong lagusan nga ito. Dahil do'n pinakita ni Lola Carmina ang isang painting ng isang binibini ng dahil doon ay napagtanto niyang kamukhang-kamukha niya ang pigura nito. Kinwento ni Lola Carmina ang tungkol sa mga Montecarlos at ang tungkol sa painting na nangangalang Carmelita na anak ni Donya Soledad at Don Alejandro na kapatid naman nina Maria na kanilang pinagmulang lahi at Josefina na isang madre sa simbahan. Labis nagtataka parin ang dalagita kung bakit niya kamukhang-kamukha si Carmelita samantalang galing naman sila sa lahi ni Maria. Sinabi rin ni Lola Carmina na ang Montecarlos ang pinakamayaman sa bayan ng San Alfonso na pinamumunuan sa napakahabang panahon ni Don Mariano na asawa ni Donya Juanita at ang kanilang mga anak ay sina Juanito, Angelito at Sergio.

*CLIMAX*
  Pinagkasundo sina Carmelita at Juanito upang mapagtibay lalo ang samahan ng pamilya Montecarlos at Alfonso ngunit nang dumating mismo ang araw ng kanilang kasal ay siya namang pagpatay kay Juanito. Biglang nanlumo si Carmelita dahil sa pagkamatay ni Juanito at sinabi niya rin sa sarili niya na 'Paano pa 'ko mabubuhay kung wala na din namang saysay ang buhay ko dahil namatay na ang aking pinakamamahal na tao.' Nang dahil doon ay nagpakamatay si Carmelita sa lawa ng luha.

Ipinakita ni Lola Carmina ang diary ni Carmelita kay Carmela at ipinahiram ito sakanya. Ipinag sawalang-bahala lamang ng dalagita ang diary hanggang sa nakita nalamang niya ang isang pigura ng tao na hawak-hawak ang libro at napansin niyang diary ito ni Carmelita. Sinundan niya ang babae upang kunin ang libro dahil magagalit si Lola Carmina kapag nawala niya ito. Nang makarating sila sa Arc of Centuries ay napatigil siya dahil maraming nagsasabi na lapag lumagpas ka doon ay hindi kana makakapag graduate pa. Ngunit, nagulat na lamang siya dahil bigla siyang itinulak doon nung babae at nagsimula ng magbago ang paligid niya at napunta na siya sa taong... 1892. Doon niya napagtanto na si Madame Olivia ang nagtulak sa kaniya at nagpunta sa kapanahunang iyon.

Sa una ay muntik na siyang masagasaan ng karwahe ngunit nasagip siya ni Ginoong Juanito. Napagkamalan din siyang nasasaniban dahil sa kaniyang mga tinuran ngunit nang makabalik sila sa kumbento ay doon na kinwento ni Madame Olivia ang tungkol sa misyon nitong baguhin ang nakatakdang mangyari upang mabuhay si Juanito at kung hindi naman niya ito magagawa ay hindi na rin ito makakabalik pang muli sa kasalukuyan. Binalaan ni Madame Olivia na huwag munang lumabas ngunit sadyang matigas ang ulo ni Carmela ay hindi siya sumunod sa payo ng matanda at dahil doon ay nagkita at nagkakilala sila ni Ginoong Juanito.

Nang dahil dito ay nabago ang nakatakdang mangyayari at maraming buhay ang kailangang isakripisyo upang mabuhay si Juanito. Sa panahong iyon ay natutong magmahal ng tunay si Carmela at magkaroon ng tunany na kaibigan na sina Sonya at Helena. Doon niya nalaman na kina Carmelita at Juanito ay si Carmelita lamang ang tunay ng nagmamahal sa isa't-isa. Sa pagbalik nila ni Josefina sa San Alfonso ay doon niya ulit nakita si Juanito at nahuli silang dalawa ng kanilang mga magulang at kapatid sa burol kung nasaan ang puno ng mangga, nang dahil doon ay napagkamalan silang magkasintahan at doon na sila pinagkasundong ipakasal sa isa't-isa. Nang malaman naman ito ng kaibigan niyang si Helena ay labis itong nasaktan dahil may lihim pala itong pagtingin kay Juanito at gusto rin ito ito ni Ginoong Juanito. Nang dahil doon na-isip ni Carmela na sila na lamang ang ipagkasundo upang hindi matuloy ang kasal at hindi mamatay si Ginoong Juanito. Sa pagdaan ng araw na magkasama naman silang dalawa ni Juanito ay nahuhulog ito sa kanya at ganoorin si Juanito sa kaniya. Doon nakilala ni Carmela si Eduardo, lihim na nobyo ni Maria, Theresita, kapatid ni Eduardo at anak ni Mang Raul na nanunungkulan sa mga Montecarlos. Angelito, kapatid ni Juanito na may lihim na pagtingin kay Theresita, Heneral Sergio, panganay sa mga magkakapatid na Alfonso, Sonya, kaibigan ni Carmelita at kapatid nila Juanito, Aling Trinidad at ang kaniyang pamilya na walang awang pinatay. Cristeta, anak ni aling trinidad na naging nobya ni Sergio. Leandro Flores, naging kasintahan ni Carmelita sa anak ni Kapitan Flores , Natasha, kapatid ni Helana at anak din ni Kapitan Flores.Si Ignacio naman na asawa ni Sonya at anak ni Kapitan Corpuz at si Mang Pipoy na tumulong kay Cristeta nang mamatay ang pamilya nito. Ngunit simula noong makita sina Helena at Juanito na magkasama at napag-alamang si Carmelita ang may pakana na itigil ang kasal ay naputol at kasalang dapat na magaganap.

*ENDING*
Matapos ang pangyayaring ito ay nagtulungan sina Don Alejandro at Kapitan Flores  na matanggal sa puwesto bilang Gobernador si Don Mariano at mapatay. Ipinagkasundo naman sina Leandro at Carmelita sa isa nanamang kasalan ngunit sa mismong kasalan nila naganap ang pag-atake ng mga rebelde at isa na doon si Juanito. Dahil sa tuluyan na ngang nagbago ang tadhana maraming buhay ang naisakripisyo tulad nina Don Mariano, Donya Juanito, Heneral Sergio, Sonya, Ignacio, Kapitan Corpuz. Matapos umanib ni Juanito sa mga rebelde ay namatay naman si Juanito dahil ka pagpatay sa kanya ni Mang Raul. Ngunit, hindi alam ng lahat ay buhay si Juanito dahil natagpuan siya ni Father Orlando at dahil doon si Juanito ay nagpagaling sa kumbento. Dito, nalaman nila na isang Angel si Madame Olivia. Nang walang magawa si Juanito ay naisipan niyang pintahan ang  pigura ni Carmelita/Carmela. Nagtagumpay si Carmela sa kanyang misyon at nakabalik sa kasalukuyan. Namatay si Carmela ng walanag asawa dahil hindi nag work ang relasyon nila ni John habang si Juanito naman ay namatay sa gulang na 90 at namatay kakahintay kay Carmela. Dinala naman ni Carmela sa kaniyang pagtanda ang sugat na natamo neto sa kaniyang tenga. Si Carmela naman pinagawa niyang museum yung mga gamit nila juanito at nandoon din ng diary at ang  kwuntis na may nakasulat na Carmela. After years hindi na nag asawa si Carmela at parating nagsusulat na siya sa may puno ng mangga kung saan nandoon ang libingan ni Juanito

Ilang henerasyon ang lumipat at ang pangatlo kapatid ni Carmela at nagkaroon ng anak na hiningi niya na isunod sa pangalan niya. Bumisita ang isang pamilya sa museum at napag alaman din nila na kanunuhan niya si Juanito.

MORAL LESSON:
  Tadhana ang gagawa ng paraan upang mapagtagpo ang dalawang taong nagmamahalan, tulad nina Juanito at Carmela na nabubuhay sa magkabilang panahon, hindi naging hadlang ito upang makilala at mahalin nila ang isa't- isa. Magbago man ang dapat na mangyari gumawa pa rin ng paraan ang tadhana upang sa huli ay sila pa rin ang magkatuluyuan at magmahalan. Marami mang pagsubok ang dumaan naging sandata nila ang kanilang pagmamahalan upang malagpasan ang balakid na ito. Dito ay matututo rin tayong tangkilikin ang sarili nating kultura at pahalagahan ito, mahalin ng higit sa lahat ang ating pamilya at ipaglaban kung ano ang tama.

--credits to the owner ate Shanne Liwanag

I LOVE YOU SINCE 1892(NARRATIVE REPORT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon