mahal kita pero tama na

143 6 0
                                    

Pag iibigan na tila'y walang hangganan pero matatapos lang pala ito sa isang kasinungaling mga salitang akala mo'y totoo pero ito rin pala ang wawasak sa iyong puso..
Mga salitang:

Mahal kita
Walang iwanan
Ikaw lang talaga

Bat kailangan mo pang sabihin sakin ang mga salitang hindi naman pala dapat para saakin?
Masakit mang aminin oo minahal kita pero ako'y niloloko mo lang pala..

Pinaniwala mo ako sa yung mga salitang:

Sasaluhin kita

Pero tang*na sinalo mo lang pala ako pero iniwan mo ring mag isa

Pero bat pinatagal mo pa bat hinintay mo pang mahulog ako sayo ng sobra sobra.
Na sa sobrang lalim hindi ko na alam kung panu pa bang tumayo at bumangon muli.

Mali nga ba ang mag mahal? O mali lang talaga ang taong aking minahal?

Kasi MINAHAL KITA.. Oo minahal kita't minahal mo sya't minahal ka niya at naiwan akong mukang tanga kasi nga minahal kita.

Pero eto parin ako patuloy na umaasa na babalik ka pa.

Na babalik ka at babanggitin muli ang mga katagang:

"MAHAL KITA"

Spoken WordsWhere stories live. Discover now