Hanggang kailan ako magdurusa?
Hanggang kailan ka magiging masaya habang ako'y nagdurusa sa kagagawang sayo nama'y nagsimula?Kay lupit naman ng tadhana at ako pa ang pinana.
Hindi ba pwedeng si kupido nalang ang pumana sa ating dalawa?Hanggang kailan?
Hanggang kailan ipapakita ni tadhana na hindi talaga tayo para sa isa't- isa na siya ang nararapat sayo at siya lang talaga.
Hanggang kailan ako magdurusa sa kalupitang sayo nagsimula?
Pwede bang tama na?Dahil OO alam ko nang masaya ka sa kanya pwede bang itigil mo na ang pagpaparamdam sa akin kung sa huli sya rin lang ang iyong pipiliin dahil sa simula palang sya na ang nauna at ako lang ako lang naman ang ginamit mo para makuha mo sya..ang saya diba hahaha😒
Nakakatawa no dahil nahulog ako sa patibong mo.
Ang sakit lang isipin na ang unang taong pinapasok ko sa buhay ko ay sya rin ang unang taong gagago at dudurog sa pagkatao ko...Pero naisip ko baka talagang hindi tayo para sa isa't- isa kaya nagtagal lang tayo ng pansamantala..
At habang hindi pa huli ang lahat pinapatawad na kita at masaya ako para sainyong dalawa
At ang katanungan kong HANGGANG KAILAN ay nasagot na.
Dahil ang hanggang kailan ay hanggang dito nalang..
------------------------------------------------
YOU ARE READING
Spoken Words
Dla nastolatkówpag iibigan na tila walang hanganan pero matatapos lang pala dahil sa kasinungalingan... mga salitang nagpapabilis ng tibok ng iyong puso,ngunit ito rin pala ang wawasak sa iyo