Ang sarap magmahal. Sobrang sarap para bang walang kahirap hirap at hindi kana maghahanap.
Ang sarap sa pakiramdam, yung kasiyahan na halos wala ng mapaglagyan.Lahat puno ng kasiyahan at walang bahid ng kalungkutan.
Ewan ko nga ba! Sa tuwing kasama ka, walang mapaglagyan ng aking nadarama.
Sa tuwing ika'y nakikita, mga mata ay nagniningning na para bang isang bituin.
Halos mapunit ang labi sa bawat ngiti. Ngunit bakit ganito tila nabaliktad ang mundo?
Lahat nagbago, lahat naglaho. Lahat ng kasiyahan nabalot na ng kalungkutanSiguro nga mali tayo at tama sila, na hindi talaga tayo para sa isat't-isa.
Pero bakit ganun?
Hindi naman sila ang masasaktan kundi AKO.AKO ang nagpapakatangan humahabol sayo kahit alam kung wala na talagang pag asa pa ang salitang TAYO.
AKO ang naniniwala sayo, sa lahat ng binibitawan mong salita na puro naman kasinungalingan.
At naniniwala ako na hindi mo magagawang manloko, na kahit niloloko mo na ko ng harap harap naniniwala parin ako sayo..
Pero hindi na ngayon kasi tapos na ang salitang TAYO.
Nag uusap na tila bay may TAYO pa...
Oo masaya tayo noong TAYO pa pero ang kaso matagal ng TAPOS ang salitang TAYO sa ating dalawa.At uulitin ko wala na palang TAYO
at uulit-ulit ko to hanggang matauhan ako na wala ng talagang TAYO..-prettylady_143
Sorry guys kung bitin yung iba hayaan nyo dadagdagan ko pa.
YOU ARE READING
Spoken Words
Teen Fictionpag iibigan na tila walang hanganan pero matatapos lang pala dahil sa kasinungalingan... mga salitang nagpapabilis ng tibok ng iyong puso,ngunit ito rin pala ang wawasak sa iyo