ayoko na

59 3 0
                                    

Huli na nung sabihin mong
"sorry ha kung hindi kita napaglaban dati"

Akala ko wala na yung sakit,
Akala ko wala na, akala ko lang pala.
Hindi ko na namalayan, luha ko'y tuluyan ng pumatak.

Pero bakit nga ba kita iiyakan?
Kung alam ko naman na simula palang ako'y iyo ng pinaglaruan.

Ang sakit kasi. Sobrang sakit.
Di ko akalain na sa sobrang sakit magiging ganito ako kamanhid. Ang sakit sakit na para akong iniipit.

Para bang isang ibon na nagpupumilit lumaya ngunit hindi makalaya dahil sa sobrang bigat ng aking dinadala.

Hindi ko mawari yung sakit.
Ang sakit sakit walang kasing pait.

Salamat dahil kahit sa huling sandali nariyan ka parin.
Naghihintay sa walang kasiguraduhan na pagbabalik

Pero sana mapatawad mo ako hindi dahil sa sumuko ako, kundi dahil sa napagod na ako sa wala naman ng TAYO, pero huli na huli na para ako ay iyong ipaglaban pa, tinatapos ko na kung ano ang matagal mo ng tinapos dahil alam kung wala na talaga kaya please lang tumigil ka na rin.

Kasi sa bawat daan mo sa aking harapan ang syang sakit na aking nararamdaman, kasi sa bawat kita ko sayo bumabalik ang sakit ng nakaraan pero pinapangako ko simula ngayon titigilan ko na dahil

AYOKO NA..

-prettylady_143
Hai guy kung gusto nyo mag request gawan ko kayo...

Spoken WordsWhere stories live. Discover now