Aylo's POV
Naglalakad lang ako sa corridor ng biglang humarang si Skylar sa dinadaanan ko.
"Anong ginagawa mo sa teritoryo ko?" Tanong nya sakin habang naka ngisi sya. Nakakakinis naman talaga to! Ang sama. Well, bad boy eh (_ _')
"Teritoryo? Pagmamay ari mo pala tong hall way na 'to?" Sagot ko sa kanya. Habang nakatingin ako sa mga mata nya na kumikinang.
"May gusto ka ba sakin?" No way! Never ako nagka-crush sa isang Gangster. Except kay Jake ^_^
"Asa ka pa! Umalis ka nga"
"Aminin mo na kaseng bansot ka!" Sabay kindat sakin. Grabe! Di naman ganun ka gwapo >.<
"Anong kinikindat-kindat mo, ha?"
"Bakit? Kinikilig ka ba?" Kumindat na naman sya. What's even up with gangsters na kailangan pa talaga nila kumindat?
"Ikaw ata may gusto sakin eh?" Kumindat ako pabalik sa kanya.
"ano 'to? Kindatan Game? Payag ako kahit isang oras pa." Kumindat na naman sya -_- kainis naman!
"Kita tayo sa Janitor's room mamayang lunch. Aantayin kita" dagdag sa sinabi nya.
"Ba-bak--" bigla nyang tinakpan bibig ko. Ang lambot ng kamay nya.
"Basta. Pag di ka pumunta, yari ka!" Paktay na! O_o Papatayin ba ko neto? Oh no....
"S-sige?" Di na ko nagsalita, ang dami ko kaseng iniisip eh. Tapos nadagdagan pa... hehe.
"Ghe, aalis na ko. Sa Science ka diba?"
"Ba-bakit mo natanong?"
"Hatid na kita. Baka mapaano ka pa sa mga seniors sa hall na dadaanan mo." Teka? Bakit alam nya na malapit room ko sa mga Seniors? Stalker ata 'to eh.
"S-sure ka?" Nautal ako ng sandaling sinabi nya yun. Nakakagulat eh. Para bang nakasunod yung kaluluwa sakin ng di ko alam...
"Bakit ba ang dami mong tanong?" bwisit na bwisit sya eh. Halos nakakunot na noo nya.
"S-sige" di ko na tinanggihan di naman sa gusto kong makasama sya pero para maging ligtas ako. Lagot kase ako kay Kuya Ayden pag may nangyaring masama sakin.
" lika na, made-detention pa tayo nyan" kailan nya pa naisip yun? kakaiba mga kilos ni Skylar ngayon ah?
"Ano? Statwa?! Monument?" Tinanong nya ko. Nagalit bigla? Haha! Pikon!
Nakarating na kami sa room. Kaklase ko pala sya, nakalimutan ko lang dahil di naman talaga kami nag-uusap simula nang pinakilala ako no Kuya sa kanya.
"Ms. Rodriguez! Mr. Austin! Why are you both late? It's been five minutes? Detention for the both of you" Grabe! Ganyan pala magalit si Sir? Di know ah?! >.<
"Yes Sir." Sabay kami ni Skylar na sinabi yun. Kagulat!
Umupo na kami na kami,katabi ko pala sya at si Calvin. Ako na sa gitna sila sa parehong gilid na upuan para di sila makapag-usap. Haha!
Ang masama, kailangan ko lagi sila tulungan sa lahat ng seatworks nila. Hayst!
"San kayo galing?" Tinanong kami ni Calvin. Di ako sumagot, di ako close sa kanya kay Skylar,Kuya ay Jake lang.
"Nakita ko kase 'tong si Bekikang na tumatambay sa hallway nating APAT nila Jake." Abay! Bwisit 'tong Skylar na 'to ah?
"Ayiee! Gusto mo pala si Sky ah?" Nakakagigil naman tong dalawa! Parang takas mental lang?
"Hindi ko sya gusto. Si--" bago ko masabi pangalan ni Jake tinakpan ko bibig ko. Buti na lang (_ _')
"Oh? Nasusuka ba?" Nag-alala si Calvin. Baka daw masukahan ko sya eh! Haha!
"wala! Napahawak lang" Seriously?! Bakit yun pa talaga nasabi ko? BAD AYLO!
"Ang weird mo din minsan, Bansot" sabi sakin ni Skylar. Kainis! Well, wrong move nagawa ko kanina eh? Huhu! pinagtutulungan ako netong dalawang abnoy na 'to! HELP!
"Oo nga, bakit ganun ka?"
"Siguro dahil sa mga mood swings ng babae? Haha!" Grabe makapanlait netong dalawang 'to!
"Hahahahaha!!!" Rinig nang buong klase na nagsitawanan yung dalawa. Nagtinginan tuloy sila. HUHU!
"Is there a problem with your seat mates, Aylo?" Grabe! Kinilabutan ako dun!
"Wala po!" Sabay kaming tatlo na sinabi yun. Nakakahiya talaga! (_ _")
"That would be detention for you as well, Mr Monteverde." Haha! Buti nga. Teka? Ano?! Kasama sya? HUHU! Kailangan ko na talaga ng tulong.
"Hayst! Detention na naman? Kanina na-Dentention na ko tapos isa pa ulit. Abay! Minamalas na ako ah?" Sabi ni Calvin habang nakakumbaba sa Desk nya.
"Hahahahaha!" Tawa nilang pareho. TAKAS MENTAL NGA SILA. Haha!
"Shh! Baka marinig tayo ni Sir"
Habang papunta sa Detention, nag usap-usap kami habang naglalakad. Masaya din palang kasama 'tong dalawa kahit baliw at abno sila. Haha!
"Hahaha"
"hahaha"
"Hahaha" sabay kaming tawa ng tawa. >.<"Andito na pala tayo, haha" sa sobrang saya, di ko namalayan na nandito na pala kami.^_^
"Haha! Oo nga noh?" Sabat ni Calvin.
"Ghe. 'Lika na"
Naunang pumasok si Calvin. Pinigilan ako ni Skylar na pumasok. May sasabihin daw?
"Uhmm... Aylo?"
"Oh? Bakit? May problema ba?"
"Wala naman, may itatanong lang."
"Okay? Ano yun?"
"Ahh! Wala! Ang panget mo kasi eh. Bansot pa" pfft! Whatever you say.
"Sus! Alam ko na yun! Wag mo na sabihin sakin." Hahaha! Teka? Nilait ko ba sarili ko? HUHU! Sama kase nito ni Skylar eh. Hmpf!
Tapos na detention namin. Dederetso na sana ako sa cafeteria kaso biglang hinila ni Patricia yung buhok.Hmpf! Kakain na nga lang ako may mananakit pa? Di patas ah!
"Aray! Aray! Bitawan mo nga buhok ko Patricia!"
"Ano ka? Ang landi mo ah? Una si Calvin ngayon si Skylar? Ano yun? TWO TIMER!" Anong pinagsasabi netong babaeng 'to? May saltik ba sya? Sakit ng pagkahila nya sakin >.<
"Ano bang pinagsasabi mo? Ano ba nagawa ko?" Shete! Dapat di ko na tinanong eh.HUHU! HELP!
"Bitawan mo sya" bigla akong nakarinig ng boses ng lalake. Parang pamilyar, nasa likod ko sya at hawal hawak parin ni Patricia buhok ko kaya di ko nakita si Night and Shining Warrior ko. HUHU! Sayang!
"Hmpf! Oh! Ayan!" Ng binitawan ni Patricia buhok ko bigla ako hinila nung lalake na nag ligtas sakin. Di ko maaninag kase napaiyak ako sa sakit ng buhok at ulo ko.
Nagtago kami sa may loob ng Janitor's room. Magulo na buhok ko, pasalamat kay Patricia. Anyway, binigyan ako ng panyo ni NSW ko or Night and Shining Warrior ko. Ayoko ng Prince Charming masyadong princess-y, pag katapos kong punasan ang mukha ko naaninag ko na at na kita ko si...
"Jake Pajarillo?"

BINABASA MO ANG
The Gangster And I (Complete)
RandomSkylar, Calvin and Jake. Tatlong kagwapuhan na mga lalaki na nagkagusto kay Aylo Rodriguez, a former popular girl in campus who is now known such as a loser. Will Aylo find her forever or will she be sawi forever?