Sinuntok ako sa braso ni Skylar. Nakita ni Kuya ang ginawa ni Skylar sakin. Bigla akong tinulungan ni Kuya sa pagkakaupo ko sa sahig.
"Ano ba problema mo?! Sigaw ni Kuya kay Skylar.
"Istorbo yang kapatid mo!"
"Edi sana pinaalis mo ng mahinahon. Di yung kailangan mo pa syang suntukin."
Nakita din ni Jake ang nangyari kaya pinunta ako ni Jake sa second floor, may medic kit daw sa taas.
"Brad! Ako na bahala kay Aylo. Ikaw na bahala dyan" habang naglalakad pataas napatingin ako sa likod ko. Aray! Ang sakit ng suntok ni Skylar! Hmpf!
"Okay ka lang ba?"
"Halata ba! Ay! Sorry. Nanggigil lang dahil sa kanina."
"Sabi ko sayo eh, Dapat nagpasama ka sakin. Ayan tuloy nagkapasa ka."
"Okay la--Ahh! Aray!" Ang sakit!!! Grabe manuntok si Skylar parang naparusahan ako! Ang laki na pasa! Aruy!!
"Sorry! Sa susunod lagi mo na kong papakinggan ah?"
"Bakit ba ganun si Skylar?"
"Simula ng naging barkada kami ganyan na yan. Kada- party dito sa bahay ni Cj laging naglalasing yan. Tapos manonood ng T.V para maalis ang init ng ulo nya sa nangyari nung bata sya."
"Huh? Bakit?"
"Sorry, yun lang pwede kong sabihin. Mapapagalitan ako ni Skylar. Gusto mo ba na pati ako mabugbog?"
I sighed. I have no choice eh. Baka mapaano pa so Jake.
"Well, okay. Baka mapaano ka pa eh."
"Haha! Salamat ah. Masakit pa ba"
"Aray! Masakit!"
Tumingin ako sa pasa ko dahil hinawakan ni Jake. Bigla kami napatingin sa isa't isa. Nakakakilig. Parang Romance lang. Ang lapit lapit ng mukha ni Jake sakin, yung para bang pag nagtinginan kayo sa mga mata bigla na lang lalapit mukha nyo tapos mag-- Ahh!!! Kinikilig na talaga ako. Sabihin ko na nga!
"Umm... Jake?"
"Bakit? Masakit pa ba?"
"Masyado pero may sasabihin sana ako. Sana wag ka magalit."
"Okay?" Nagtataka yung boses at tingin nya. Pero gwapo parin sya ^_^
"May... May--" bago ko masabi ang nararamdaman ko, biglang naisturbo kami ni Kuya.
Biglang napatayo si Jake nung nakita si Kuya. Bigla ako hinila ni Kuya palapit sa kanya.
"Okay ka lang ba Aylo?"
"Oo. Okay lang ako, pasalamat kay Jake" bigla ako tumingin kay Jake at kumindat sa kanya.
"Salamat Jake. Sa paggamot mo kay Aylo" pagpalasalamat ni Kuya kay Jake.
"Pfft! Wag ka na magpasalamat Brad. Okay lang sakin, pero your welcome
"Lika na Aylo. Uuwi na tayo last day na bukas sa school."
"Huh? Last day?" Nagtataka ako sa sinabi ni Kuya. Magta-transfer ba ko sa ibang school? No! Ayaw ko malayo kay Jake! Kahit na kapit bahay ko sya. Haha!
"Sembreak na!" Sagot ni kuya
"Ahh! Oo nga pala. Magce-celebrate din kami ng section namin bukas. Hayst! Party na naman."

BINABASA MO ANG
The Gangster And I (Complete)
RandomSkylar, Calvin and Jake. Tatlong kagwapuhan na mga lalaki na nagkagusto kay Aylo Rodriguez, a former popular girl in campus who is now known such as a loser. Will Aylo find her forever or will she be sawi forever?