"J-jake? Ikaw nag--"
"Oo ako nga. Sorry ah dun sa nangyari kanina?" Alalang-alala sya sakin? Now way! This is only a dream.
"Oh? May sugat ka pala sa siko at braso mo?" Ngayon ko lang nalaman pero naalala ko kung bakit nagkaroon ako ng sugat.
Habang hinihila ni Patricia buhok ko, pinilit ko yung katawan ko na magpabigat para di nya ko kayanin. Ng nagpabigat ako, napasadsad yung siko at braso ko. Nakatagilid ako nung hinihila ako ni Pat. Bwisit sya! Hmpf!
"Masakit ba?" Oo, sobrang sakit...
"Masyado. Ako na man may--"
"Di mo kasalanan na may sugat ka. Naggawa ka lang ng paraan para di mapalala yung gulo" sabat nya. Nagulat ako nung sinabi nya yun. Alam na alam nya ang tungkol sa self defense. Grabe! KAKAINLOVE!
"Hehe. Self defense lang kase yun."
"Alam ko. Lika na, dalhin na kita sa clinic" Oh my Gulay!? Is this Real? Grabe. Inakbayan nya ako. Grabe! Kakainlove.
Madaming students ang nakatingin saming dalawa ni Jake. Yung iba ang sama ng tingin, yung iba kinikilig. Para bang nasa Katotohanan na ko... <3
Nakarating na kami sa Clinic. Bago kami pumasok may sinabi sya sakin.
"Aylo. May party kase sa bahay ni Calvin. Naisipan ko lang na imbitahin kita. Pwede ba? I want to know you better." Haluhh! Can that be replayed?
"I want to know you better"
"I want to know you better"
"I want to know you better"Oh my gosh!!! Sobrang kinilig ako sa inside ko para bang INSIDE KILIG? Grabe! Haba ng hair ko ahh!?
"S-sure. Pupunta ako, kahit na di naman ako party type na girl."
"Haha! We have something in common, right? I mean kung ayaw mo pumunta, pwede tayo magstudy sa bahay ko. If you want"
"Pupunta ako. Kailan ba?"
"Tonight? Nakakagigil nga eh. Ura urada na kaagad yung party."
"Haha! Okay lang."
"Sunduin na kaya kita. Tutal mag-kapit bahay tayo eh." Really?! Susunduin nya ko? Nahh! Di na ko magpapaka-choosy and let's party!!!
"Oh sige ba? 7:00?"
"Sure! Well. Let's go. Para may time pa tayo makapag-prepare."
Habang naglalakas kami kwentuhan kami ng kwentuhan. Masaya pala syang kasama? Ang dami nyang patawa. Haha!
Nakarating na din kami sa may Parking Area. Nakita ko yung kotse nya... Ford Ranger!? Ang mahal nun! Kahit na may kotse din kami.
"Woah! Ford Ranger? Seriously?! Sayo 'to?" Talagang wala na kong masabi na kahit ano.
"Haha! Oo sakin 'to." Nang binuksan nya yung pinto nakita ko si Calvin at Skylar na nasa backseat. Ako naman na sa front seat sa may tabi ng driver's seat. In short, katabi ko si Jake. Ahhh! Kinikilig na naman ako.
"Uyy! Si bansot andito! Kasama ka sa party?" Tanong ni Skylar.
"Punta ka ahh?" Nung sinabi ni Calvin yun bigla syang kumindat. Pinalo ko tuloy sa may hita. Di ko naabot yung mukha nya eh. Kainis silang dalawa!
"Guys! Wag nyo pag-tripan si Bebe loves ko. Mamaya nyo na lang gawin yan sa party." Did he just say Bebe love nya ko?
"Bebe loves ko"
"Bebe loves ko"
"Bebe love ko..." ilang beses umulit sa utak ko yung sinabi nya. Natahimik kaming lahat. Awkward..

BINABASA MO ANG
The Gangster And I (Complete)
RandomSkylar, Calvin and Jake. Tatlong kagwapuhan na mga lalaki na nagkagusto kay Aylo Rodriguez, a former popular girl in campus who is now known such as a loser. Will Aylo find her forever or will she be sawi forever?